GMA Logo Sanya Lopez
What's Hot

Sanya Lopez, puspusan ang paghahanda para sa 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier
Published December 1, 2023 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Paano naghahanda si Sanya Lopez para sa bago niyang serye?

Puspusan ang paghahanda ng First Lady of Primetime na si Sanya Lopez para sa bagong action-historical series nila na Pulang Araw. Ayon sa aktres, “dobleng effort” ang kailangan nilang ibigay ng kaniyang mga co-stars para magampanan ang kani-kanilang mga roles.

“Kailangan alamin namin kung paano maging isang vaudeville star. Meron doong mga tap dance na kung titingnan mo at papanoorin mo, hindi siya ganun kadali gawin,” kwento ni Sanya kay Lhar Santiago sa Chika Minute para sa 24 Oras.

Dagdag ng aktres, naka-set ang serye sa World War II, sa panahon ng Japanese occupation sa bansa, kaya maaaring merong mga fight scenes na kailangan nilang gawin.

“Panahon ng Hapon so nandu'n rin 'yung may mga fight scene din siguro kaming gagawin kaya that's why hinahanda ko rin 'yung sarili ko,” Pagbabahagi ng aktres.

BALIKAN ANG MGA MOST MEMORABLE ROLES NI SANYA SA GALLERY NA ITO:

Makakasama ni Sanya sa serye sina Barbie Forteza, na gaganap bilang kapatid niya at magiging Bodabil star na tulad niya, si Alden Richards na gagampanan ang role ni Eduardo, isang matapang at maprinsipyong batang Pilipino, at si David Licauco bilang isang Hapones na si Hiroshi na magbibigay ng kulay sa serye.

Nagbigay rin ng kaunting update si Sanya tungkol sa kaniyang kalusugan. Kamakailan lang ay na-ospital ang aktres dahil sa mataas na lagnat ngunit nilinaw niyang hindi ito COVID-19, at sinabing okey na siya ngayon.

“Medyo um-okey na rin naman na ako, uso siya ngayon, it's not Covid naman, pero ang sinasabi nga nila, uso nga talaga ngayon ang flu,” pagbabahagi ni Sanya.

Dagdag pa niya, “Normal naman, nagpa-check naman ako lahat, normal naman.”