
Sa Miyerkules, December 6, ipagdiriwang ng Pambansang Morning Show ng Pilipinas na Unang Hirit (UH) ang ika-24 na anibersaryo nito.
Bilang pasasalamat, buong linggong ipagdiriwang ng programa ang milestone na ito sa pamamagitan ng paghahatid ng iba't ibang saya at sorpresa na dapat abangan.
Kabilang diyan ang pamimigay ng Unang Hirit ng Christmas bonus na tatakbo mula December 4 hanggang December 29. Bukas ang promo na ito sa lahat ng UH viewers na may edad na 18 taong gulang pataas nationwide.
Sa mechanics na ipinost ng programa sa kanilang official Facebook page, kailangang tumutok sa GMA flagship morning mula umpisa hanggang dulo. Napapanood ito weekdays mula 5:30 a.m. hanggang 8:00 a.m.
Base pa sa mechanics, "ang TV mo ang magiging ATM" kaya kailangang abangan ang pin code ng Christmas bonus kada araw.
Unti-unting ire-reveal ng UH Barkada ang pin code ng ATM sa iba't ibang bahagi ng programa.
Sa hudyat ng UH Barkada, paunahan ang mga nais sumali na makatawag sa ibibigay na phone number. Kailangan maibigay ng caller ang tamang pin code kasama ng kanyang pangalan, edad, address, at contact number.
Ang unang caller na makapagbibigay ng tamang pin code ang mananalo ng Php 5,000.00
Bawat araw, may DTI representative na nakabantay via Zoom sa pagpili ng mananalo.
Isang beses lang maaaring manalo sa promong ito. Hindi rin maaaring manalo ang mga nanalo na sa anumang promo ng UH sa nakaraang isang taon.
Para sa kabuuang mechanics, basahin ang post na ito.
Inilunsad ng Unang Hirit noong December 6, 1999.
Binubuo ito ng UH Barkada na sina Arnold "Igan" Clavio, Susan Enriquez, Suzi Abrera, Lyn Ching, Ivan Mayrina, at Mariz Umali.
Kasama rin nilang nagpapasaya at nagbibigay ng impormasyon tuwing umaga sina Matteo Guidicelli, Shaira Diaz, Atty. Gaby Concepcion, Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra, at Chef JR Royol.