
Natawa si Ketchup Eusebio nang sabihan siya bilang “Pambansang Traydor” dahil sa karakter niya sa historical film na GomBurZa.
Sa nasabing 2023 Metro Manila Film Festival entry, gumanap bilang si Padre Francisco Zaldua, na ipinalas na nagkanulo sa tatlong Pilipinong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tila naging traydor ang karakter na ginampanan ni Ketchup. Matatandaan na sa isa pang historical film na Heneral Luna, marami rin ang nainis sa kanyang karakter na si Kapitan Pedro Janolino, na isa sa mga bumaril kay Heneral Antonio Luna.
“Maraming after effect po yun hanggang sa may mga comment akong nababasa na, 'Kapag nakita ko 'yan, sasampalin ko 'yan.' 'Tapos, may nagsabi pa, 'Alam ko kung taga-saan 'yan, puntahan natin,'” pagbabahagi ng aktor.
“'Yun po ang pinakapremyo sa trabaho po. Sa akin po, sa personal, parang 'yun po ang pinakapremyo. Kung anuman 'yung ibato nilang impression, kumbaga, kung ano 'yung naging impact sa kanila, parang 'yun na 'yung, 'Yes! May effect sa kanila.'”
Sabay biro niya, “'Yung pisikal po, harapin n'yo na lang din po kung paano ko dedepensahan ang sarili ko as Zaldua rin.”
Pag-uulit pa ni Ketchup, “Para sa akin po, kung meron mang ganun, kung anuman 'yung effect, nakakatuwa po 'yun sa trabaho namin, 'yung nawawala kung sino kami, nawawala si Ketchup Eusebio doon. 'Yun po ang parang goal ko. Maraming salamat po kung may naiwan sa inyong ganun na, 'Traydor! Traydor!' 'Yun po ang punto para sa akin para magawa ko 'yung trabaho. Maraming-maraming salamat po kung tinawang n'yo akong 'Pambansang Traydor.'”
Bukod kay Ketchup, bibida rin sa GomBurZa sina Cedric Juan (Jose Burgos), Dante Rivero (Mariano Gomez), at Enchong Dee (Jacinto Zamora). May espesyal na partisipasyon din dito si Piolo Pascual bilang si Padre Pedro Pelaez. Ang GomBurZa ay idinirehe ni Pepe Diokno.
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG KAPUSO STARS NA MAGIGING BAHAGI NG MMFF 2023: