GMA Logo  Jimmy Bondoc
Courtesy: Jimmy Bondoc (Facebook)
What's Hot

OPM singer na si Jimmy Bondoc, isa nang abogado

By EJ Chua
Published December 6, 2023 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

 Jimmy Bondoc


Congratulations, Atty. Jimmy Bondoc!

Ang OPM singer na si James Patrick Romero Bondoc o mas kilala na si Jimmy Bondoc ang isa sa mga nakapasa sa 2023 Bar examinations.

Nito lamang Martes, December 5, inilabas ng Supreme Court ang resulta nito, kung saan kasama ang pangalan ni Jimmy.

Siya ay pang 685 sa 3,812 na nakapasa sa examination.

Taong 2017 nang pumasok si Jimmy bilang freshman law student sa San Beda College.

Ang singer-songwriter ay nag-aral ng law sa edad na 42.

Ayon kay Jimmy, matagal na niyang pangarap na mag-aral nito at maging isang ganap na abogado.

Ang OPM artist ay naging vice president for corporate social responsibility ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR bago pa siya maitalaga bilang board of directors member nito noong 2021.

Nakilala ang singer-songwriter na si Jimmy sa hit song na “Let Me Be The One”.

Sa Facebook, makikita ang post ni Jimmy bago pa lumabas ang resulta ng Bar Exam.

Bukod pa rito, makikita rin ang isang post, kung saan nagpaabot ng pagbati ang Public Attorney's Office (Pao) Chief na si Persida V. Rueda-Acosta sa Filipino singer.

Samantala, sa 3,812 na nakapasa sa Bar exams, topnotcher dito si Ephraim Porciuncula Bie ng University of Santo Tomas.

Matatandaang noong 2022, ibinalita ni Jimmy sa pamamagitan ng social media na nasunog ang kanyang home studio.