What's Hot

Ruru Madrid, nakatanggap ng birthday surprise sa set ng 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published December 6, 2023 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Nakatanggap ng surprise birthday party si Ruru Madrid sa set ng 'Black Rider' mula sa kanyang pamilya, girlfriend na Bianca Umali at ilang pang kaibigan.

Nasa taping si primetime action hero Ruru Madrid sa mismong araw ng kanyang birthday, December 4, 2023.

Dahil dito, minarapat ng kanyang pamilya, ng girlfriend na si Bianca Umali at iba pang mga kaibigan na sorpresahin siya sa set ng pinagbibidahan niyang full action series na Black Rider.

"Kanina, pagdating ko pa lang, nakasalubong sila doon. May mga hawak sila na mga cake. May hawak sila na mga balloons. Nakakatuwa kasi para akong bumalik sa pagkabata. Naalala ko noong bata ako na sinusorpresa that's why I'm very grateful to this family. I'm am very grateful sa lahat ng bumubuo ng Black Rider sa pagmamahal, tiwala at suporta na binibigay niyo lagi sa akin," pahayag ni Ruru.

Nagbigay rin ng kanilang birthday messages ang mga co-stars ni Ruru sa serye.

"Hi Ru! Happy, happy birthday to you. Alam mo na sobrang proud ako sa 'yo. Sana matupad lahat ng mga wishes mo this year. Deserve mo lahat ng mga nangyayari sa 'yo," pahayag ni Arra San Agustin.

"To brother Ruru, happy happy birthday, my friend. I wish you all the best. I wish all your dreams become possible in 2024 and for the future. You're a great man. You're a humble man. You're a very talented, passionate person that I have the privilege to work with," mensahe naman ni Matteo.

May message din para kay Ruru ang kapatid at kapwa Sparkle star niyang si Rere Madrid.

"Alam ko malayo pa 'yung mararating mo. Mahal na mahal ka namin. Happy birthday," lahad niya.

Very proud din si Bianca para sa kanyang boyfriend na si Ruru.

"Sa totoo lang, ang hirap nang mag-wish sa isang tao na mayroon na ang lahat sa kasalukuyan. Pero ako, what I would like to do is to thank everyone na lang and magpasalamat sa Ama on his behalf para sa lahat ng mga blessings na mayroon siya dahil sobrang deserve ni Ruru. I am one of those people who is very proud," aniya.

Ipinagdiwang ni Ruru Madrid ang kanyang ika-26 birthday noong December 4, 2023.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.