
Masayang weekend bonding ba ang hanap n'yo with the whole family this Christmas season?
Puwes, sagot ng 'funtastic' episodes ng mga paborito n'yong award-winning comedy shows ang #BestChristmasEver.
Tuwing Sabado ng gabi, mapapa-'#BlessedToLaugh' ang lahat sa masaya at puno ng aral na episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Tiyak makaka-relate ang maraming pamilyang Pilipino sa magiging Christmas celebration ng ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) at misis nito na si Elsa (Manilyn Reynes), kasama ang kanilang pamilya, kaibigan, at empleyado sa PM Mineral Water.
Pagdating naman ng Linggo ng gabi, dalawang viral comedy shows ang maghahatid sa inyo ng good vibes to end your weekend filled with happiness.
Samahan ang award-winning comedian na si Michael V. at buong Ka-Bubble barkada sa kulit sketches at gags nila sa longest-running gag show na Bubble Gang sa oras na 6:35 pm. At bago kayo matulog, bubusugin muna kayo ng good times nina Boobay at Tekla sa kanilang hit comedy talk show.
Kung nabitin naman kayo, puwede rin kayong bumisita sa social media pages ng YouLOL for more exclusive content and updates sa mga paborito n'yong Kapuso comedians.
Kamakailan lang, nakapagtala ang official Kapuso comedy channel ng bagong milestone sa YouTube nang umabot na ang page sa mahigit two million subscribers.
The fun never stops this holiday season, mga Kapuso!