
Magniningning ang umaga ngayong Linggo dahil sa mga Kapuso stars na bibisita sa AHA!
Bukod sa star-studded na holiday stories, ipapakita rin ang ilang lugar na perfect para sa isang holidate.
Dahil panahon na rin ng Christmas bonus ay marami ang gumamit nito para mas mapaganda pa ang sarili. Ngunit ingat lang, mga Kapuso, dahil baka mauwi pa sa disgrasya ang pinaghirapan mong pagpapaganda.
Tunghayan ang kuwento ni Golda, ang gold-nosed reindeer na hindi merry ang Pasko dahil sa panunuksong natanggap niya mula sa iba pang mga reindeer. Tampok ang Makiling star na si Elle Villanueva, alamin kung magiging masaya pa ba ang Pasko ni Golda.
Kung ang hanap mo naman ay perfect date spot ngayong holiday season, hindi ka bibiguin ni Aidan Veneracion para sa isang hindi malilimutang holidate. Mula sa pagbisita sa isang perya sa Marikina hanggang sa futuristic at interactive display sa Cavite, magiging maningning ang inyong date this holiday season.
Isang rider naman ang humahamon kay Black Rider star Ruru Madrid sa galing at tibay ng loob sa pagsakay ng motorsiklo. Ang humahamon? Limang taong gulang na batang rider!
Hindi man perpekto ang parte ng katawan, kailangan pa rin itong ingatan at kahit pa gusto mong mapatangos ang iyong ilong, ingat lang at baka mauwi pa ito sa disgrasya. Imbis na perfect nose ang inaasam, namaga at nagkaroon pa ito ng nana!. Maibalik pa kaya ito sa dati?
Hindi lang masayang kuwentuhan dahil puno rin ng kaalaman ang handog ngayong Linggo kaya naman tumutok na sa AHA!, 8:15 AM sa GMA.