GMA Logo Gabbi Garcia
Photo Source: joshbiofc and therealemm21 (Instagram)
What's Hot

Gabbi Garcia, emosyonal nang ipagdiwang ang 25th birthday kasama ang fans

By Jansen Ramos
Published December 10, 2023 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia


Naiyak si Gabbi Garcia nang sorpresahin siya ng kanyang fans sa kanyang 25th birthday.

Matapos ang kanyang meaningful celebration sa isang shelter facility, fans naman ang nakasama ni Sparkle star Gabbi Garcia sa pagpapatuloy ng kanyang 25th birthday celebration.

Naging emosyonal si Gabbi dahil sa sobrang grateful sa kanyang mga loyal na tagahanga na sinorpresa siya ng isang masayang birthday party noong Biyernes, December 8.

A post shared by JoshBi Official (@joshbiofc)

A post shared by JoshBi Official (@joshbiofc)

Sa larawang ito, makikitang naluha pa si Gabbi nang sinimulan na siyang kantahan ng birthday song at maglabas ng birthday cake ang isang fan.

A post shared by JoshBi Official (@joshbiofc)


Hindi rin naiwasan ni Gabbi na ma-touch sa birthday messages ng kanyang supporters.

A post shared by JoshBi Official (@joshbiofc)


Pinasok ni Gabbi ang pag-aartista noong siya ay siyam na taong gulang lamang. Siya ay isang Sparkle artist.

Kabilang sa kanyang mga naging proyekto ang 2015 romance comedy series na Let The Love Begin at 2016 telefantasyang Encantadia kung saan gumanap siyang Alena.

Bukod sa pagiging artista, kilala rin si Gabbi bilang endorser at It Girl.

TINGNAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI GABBI GARCIA DITO.