GMA Logo Sparkle stars at the Sparkle Fans Day 2023
What's Hot

Sparkle stars, naghatid ng saya sa Sparkle Grand Fans Day 2023

By Dianne Mariano
Published December 11, 2023 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle stars at the Sparkle Fans Day 2023


Iba't-ibang thrilling performances ang handog ng Sparkle artists para sa kanilang supporters sa naganap na Sparkle Grand Fans Day 2023 noong nakaraang Linggo, December 10.

Maagang pamasko ang handog ng Sparkle artists para sa kanilang mga tagasuporta sa naganap na Sparkle Grand Fans Day 2023 sa SM North EDSA Skydome kahapon (December 10).

Dumalo at naghatid ng masasayang song performances ang Sparkle stars na sina Alden Richards, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Jak Roberto para sa kanilang fans.

Mayroon ding production number ang Sparkle Teens na sina James Graham, Aya Domingo, Gaea Mischa, Charlie Fleming, Bryce Eusebio, John Clifford, Naomi Park, Selina Griffin, Waynona Collings, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, Liana Mae, Keisha Serna, Lee Victor, Ashley Sarmiento, Marco Masa, at Zyren Dela Cruz.

Naghatid naman ng kilig ang ilang Sparkle Love Teams sa pamamagitan ng kanilang song performances. Bukod dito, nag-perform din ang youngest P-pop group ng bansa na Cloud 7, na binubuo nina Kairo, Egypt, Lukas, Migz, Johann, Fian, at PJ.

Present din sa Sparkle Grand Fans Day 2023 ang ilang miyembro ng Sparkada, Firefly child star Euwenn Mikaell, at marami pang iba. Nakasama rin ng masuswerteng fans ang ilang Sparkle stars at naka-duet sila sa stage.

Bukod sa inihandang production numbers ng Sparkle artists, may pa-raffle rin ang mga ito para sa lucky fans na nakapag-uwi ng papremyo.