
Marami sa fans ng aktor na si Xian Lim ang nakapansin na burado na ngayon ang videos sa kaniyang YouTube channel maging ang kaniyang vlogs kasama ang girlfriend na si Kim Chiu.
Sa ngayon, ang natitira na lamang na video sa YouTube channel ni Xian ay ang video na pinamagatang “Draw My Life- Xian Lim | 053” na kaniyang in-upload noong 2016 at dalawang YouTube reels na naglalaman ng kaniyang motorcycle vlog, at pagiging speaker sa isang event.
Dahil sa pagkakabura ng videos ni Xian, muling pinag-uusapan ngayon sa social media ang napapabalitang break-up umano nila ni Kim.
Bagama't kumbinsido ang ilang netizens na may problema ang celebrity couple. Matatandaan na sinabi na noon ni Xian sa pamamagitan ng isang Instagram post na huwag maniwala sa mga “hearsay” o sabi-sabi tungkol sa kaniyang personal na relasyon sa kaniyang pamilya, kaibigan, at malalapit sa kaniyang puso.
Sa isang interview, natanong din si Kim tungkol sa estado ng relasyon nila ni Xian at ito ang kaniyang sagot, “Grabe ... sa amin na lang 'yun, we'll just keep it to ourselves na muna.”
Taong 2012 nang maging magkarelasyon sina Xian at Kim pero 2018 na nang isinapubliko ito ng dalawa.
Samantala, mapapanood naman si Xian sa Kapuso series na Love. Die. Repeat. kasama si Jennylyn Mercado sa 2024.
Kasulukuyan namang napapanood ngayon si Kim sa noontime show na It's Showtime sa GTV.