
May bagong milestone ang 2023 romance-drama film na Five Breakups and a Romance.
Nito lamang Martes, December 12, 2023, inanunsyo ng team ng pelikula na umabot na sa higit 100 million pesos ang gross sales nito.
Lubos na ipinagpapasalamat ng buong team ang walang sawang pagsuporta na natatanggap nila mula sa viewers sa Pilipinas at pati na rin sa abroad.
Ang Five Breakups and a Romance ay kauna-unahang pelikula na pinagtambalan ng Kapuso actor na si Alden Richards at Kapamilya actress na si Julia Montes.
Bukod kina Alden at Julia, parte rin ng cast sina Jackie Lou Blanco, LotLot De Leon.
Kabilang din dito ang Sparkle stars na sina Gil Cuerva, Michael Sager, at Roxie Smith.
Matatandaang noong November 4, 2023, masayang ibinahagi ni Alden na nasa 60 million pesos na ang gross sales ng kanilang movie.
Ang pinag-uusapang pelikulang ay idinirek at isinulat ni Direk Irene Villamor.