
Pumanaw na ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez
Kinumpirma ng Quezon City Police District ang naging pagpanaw ng aktor, ayon sa isang report. Hindi pa natukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay,
Sa ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag mula sa naulilang pamilya ni Ronaldo, kabilang na ang kanyang asawa na si Maria Fe Gibbs; at kanilang mga anak na sina actor-comedian Janno Gibbs at Melissa Gibbs.
Bukod sa kanyang hindi malilimutang pagganap sa maraming classic and modern Filipino films gaya ng Labs Kita, Okey Ka Lang? at Seven Sundays, nakilala rin si Ronaldo bilang kauna-unahang Pinoy Colonel Sanders sa sikat na fast food chain na KFC.
Huling napanood si Ronaldo sa pelikulang Ikaw at Ako, kung saan kasama niya ang kapwa beteranong artistang si Boots Anson Roa, Rhian Ramos at Paolo Contis. Subalit hindi siya nakadalo sa media conference nito noong November 29.
Naging bahagi rin si Ronaldo ng sa seryeng 2 Good 2 Be True kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Matatandaan na dumalo pa siya sa premiere night ng pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl noong Setyembre 2023.
Napanood din si Ronaldo sa maraming programa ng GMA, isa na rito ang Full House kasama si Heart Evangelista noong 2009.
Lubos ang pagdadalamhati ngayon ng pamilya, kaibigan, at buong industriya ng pelikula at telebisyon sa pagpanaw ni Ronaldo.
Paalam, at maraming salamat Mr. Ronaldo Valdez.
ALALAHANIN ANG IBA PANG MGA YUMAONG ARTISTA, RITO: