
Sunud-sunod na papuri ang natatanggap ngayon ni Derek Ramsay sa social media.
Kamakailan lang, napanood si Derek bilang guest sa online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks.
Sa naturang vlog, mapapanood ang seryong kwentuhan nina Derek at Toni tungkol sa ilang ganap sa buhay ng una.
Kabilang sa napag-usapan nila ay ang tungkol sa present relationship ng aktor kay Ellen Adarna.
Kwento ni Derek tungkol sa naging plano niyang pagpapakasal kay Ellen, “Even though sinabi ko na kuntento na ako na hindi magpakasal… I told her I'm going to marry you… Then, I proposed.”
Kasunod nito, ibinahagi niya kung paano niya kinausap ang kanyang mga magulang tungkol dito.
Ayon kay Derek, “My mom said, we love her, we like her, but why so fast?”
Sagot ng aktor sa kanyang mommy, “In my 40 something years, when did I come to you talking about marriage?... And she was like, good point, okay. The rest is history.”
Dagdag pa niya, “It's the best decision that I've made… I am really enjoying marriage.”
Kapansin-pansin na dahl sa mga naging pahayag niya sa naturang interview, tila mas nakilala pa ng netizens at viewers ang male actor.
Sa comments section ng naturang vlog, mababasa ang ilang paghanga at papuri na natanggap ni Derek mula sa netizens.
Samantala, ikinasal sina Derek kay Ellen noong November 2021.