
Sampung mga pelikula ang maglalaban-laban sa pinakaaabangang 2023 Metro Manila Film Festival, na magsisimula mismo sa Pasko. Kaya naman umaasa ang mga aktor na bahagi ng mga ito na mabigyan ng pagkakataong mapanood sila ng mga tao.
Pero bukod sa daming ng mga pelikulang pagpipiliian, isang bagay ang mas hinihiling ng ilan sa kanila ngayon--ang mas mababang presyo ng tiket sa sinehan. Sa ngayon kasi ay umaabot sa halos PhP400 ang presyo ng isang ticket.
Sa nakaraang media conference ng When I Met You in Tokyo, hiniling ng isa sa mga bida nito na si Star for All Seasons Vilma Santos na magbalik na sa dati ang sigla ng MMFF.
“Wala akong hihilingin kundi sana bumalik na yung sigla ng Metro Manila Film Festival. At the same time, yung mga kababayan natin, na-miss na po namin ang mga pila,” sabi ni Vilma, o mas kilala bilang si Ate Vi sa industriya.
Dagdag pa niya, “And isang wish ko, sana mababaan naman yung sine para maibalik yung… Sana maipasa n'yo naman yun, kahit pagbigyan lang natin ng tatlong taon, maka-recover lang ang industriya natin. Ibaba n'yo muna sa dati ang fare ng sine kasi hindi na lahat makakakaya ng PhP400 plus.
“Give us naman yung pagkakataon na yun even for three years na maibalik lang namin yung sigla at makita lang namin ulit yung mahahabang pila sa sine. I'm praying for that, sana mapagbigyan naman na maibaba ang bayad sa sine nang makaya na ng mga taga-C, D, E na crowd.”
Sa hiwalay na press conference ng pelikulang Kampon, ito rin ang nasambit ng bidang aktres na si Beauty Gonzalez.
Aniya, “It's gonna be a beautiful festival. Pero sana lang babaan ang presyo ng cinema kasi medyo mahal. I mean, ang daming magandang pelikula and it's Christmas--you wanna bring your barkada, you wanna bring your family out.”
Hirit pa ng Cebuana actress sa huli, “Uy, mahal kaayo! Pwede banggam'yan ang presyo? [Uy, ang mahal naman! Pwede bang babaan ang presyo?]"
Bukod sa dalawang nabanggit na pelikula, bahagi rin ng 2023 MMFF ang Becky & Badette, Broken Heart's Trip, Family of Two, Firefly, GomBurZa, Mallari, Penduko, at Rewind.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA KAPUSO ARTISTS NA BIBIDA SA MMFF: