GMA Logo Xu Kai, Yang Mi, She and Her Perfect Husband
What's Hot

She and Her Perfect Husband: Noah, iniligtas si Felicity

By EJ Chua
Published December 23, 2023 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Xu Kai, Yang Mi, She and Her Perfect Husband


Sobra na sa kontrata ang ginagawang pag-aalaga ni Noah kay Felicity sa 'She and Her Perfect Husband.'

Sunod-sunod na kilig vibes ang natutunghayan sa Chinese drama series na She and Her Perfect Husband.

Sa pagpapatuloy ng kuwento nina Noah (Xu Kai) at Felicity (Yang Mi), mas nakikilala na nila ang isa't isa.

Isang araw, nalagay sa panganib ang buhay ni Felicity at hindi niya inaasahan na to the rescue si Noah para siya ay tulungan at iligtas.

Matapang na hinarap ni Noah ang mga salbaheng lalaki sa isang parking area para masigurong maililigtas niya ang kanyang asawa.

Ayon kay Felicity, sobra-sobra na ang ginagawa ni Noah para sa kanya.

Sabi niya kay Noah, “Dapat kitang pasalamatan. Sinagip mo ang buhay ko kahit nalagay ka sa panganib. 'Yung ginawa mo higit pa sa kontrata na napagkasunduan natin. Gusto kitang pasalamatan ng buong puso.”

Sagot naman ni Noah, “Pasalamatan? Siyempre hindi naman puwedeng basta manood na lang habang nasa panganib ka.”

Kasunod nito, tiningnan ni Noah ang natamong sugat ni Felicity mula sa paglaban sa debt collectors na umatake sa huli.

Patuloy na subaybayan ang She and Her Perfect Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.

Samantala, kilalanin ang celebrities na may lahing Chinese sa gallery sa ibaba: