GMA Logo matteo guidicelli and sarah geronimo
Photo Source: @matteog on Instagram
What's Hot

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo to star in a movie in 2024

By Nherz Almo
Published December 24, 2023 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

matteo guidicelli and sarah geronimo


Bibida sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronmo sa local adaptation ng South Korean movie na 'Wonderful Nightmare.'

Matapos ang mahigit isang dekada, muling magsasama sa pelikula ang mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Isa ang gagawin nilang pelikula sa mga naka-lineup na proyektong gagawin ng Viva Entertainment sa 2024. Ang mga ito ay ipinasilip sa isang video presentation bago ang media conference ng Zombabe noong Huwebes, January 21.

Ang palikulang pagsasamahan nina Matteo at Sarah ay isang local adaptation ng South Korean movie na Wonderful Nightmare. Ang 2015 movie na ito ay pinagbidahan nina Uhm Jung-hwa at Song Seung-hon. Si Jung-hwa ang gumanap ng title role sa isa sa mga hit K-drama ngayong 2023, ang Doctor Cha. Samantala, si Seung-hon ay unang nakilala ng mga Pinoy sa Korean series na Autumn in My Heart.

Sa huling panayam ng GMANetwork.com at iba pang piling media noong November, natanong si Matteo kung posibleng muling magkaroon sila ni Sarah ng pelikula.

Sagot ng aktor, “Sana. Hindi ko alam. Depende kay Boss Vic, kay Sarah, and the whole team. Sarah is very, very particular in the projects she does and what she likes doing.

“Then again, she believes in representing Filipino content, Filipino art. That's what she's very particular of, especially with her music, it's all OPM, it's all Filipino artist. She really wants to push that.

“If we find something interesting, we'll see.”

Huling nagkasama sina Sarah at Matteo sa pelikulang Catch Me I'm In Love noong 2011, kung saan kapareha ng una ang dati niyang manliligaw na si Gerald Anderson.

Sa ngayon, abala sina Sarah at Matteo sa pagpo-promote ng pelikula ng huli, ang Penduko, na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MASAYANG ISANG DEKADANG PAGSASAMA NINA MATTEO AT SARAH: