
Umani ng papuri ang Firefly, ang opisyal na entry ng GMA Network sa 49th Metro Manila Film Festival, sa mga nanood sa unang araw ng showing nito kahapon, December 25.
Sa produksyon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, marami ang pumuri sa ganda ng istorya ng Firefly na umiikot sa batang si Tonton (Euwenn Mikaell) at ang kanyang paglalakbay patungo sa isla ng mga alitaptap.
Komento ng isang user sa X, na dating Twitter, "Eto yung movie na WELL-RESEARCHED. Yung parang pwede tong ikwento ni Kara David sa I-Witness? Alam mong GMA Public Affairs ang producer. NAPAKA GALING nung cinematography, effects, at pagkakalatag nung kwento. QUALITY FILM ANG FIREFLY. QUALITY!"
FIREFLY
-- Bi Abunda (@titobi_abunda) December 25, 2023
4/5
Eto yung movie na WELL-RESEARCHED. Yung parang pwede tong ikwento ni Kara David sa I-Witness? Alam mong GMA Public Affairs ang producer. NAPAKA GALING nung cinematography, effects, at pagkakalatag nung kwento. QUALITY FILM ANG FIREFLY. QUALITY!#MMFF #MMFF2023 pic.twitter.com/6yJHdxOti0
Madami ang pumuri hindi lamang sa istorya ng Firefly kung hindi pa rin ang direksyon ni Zig Dulay at cinematography ni Neil Daza.
Komento ng isang user, "Di kailangang umiyak, sumigaw, kahit nakatayo lang, ramdam mo siya."
This Movie Is A Truly MASTERPIECE One of The Most Beautiful Movies I've ever watched.
-- NoMore (@HealingFloryn) December 26, 2023
ALESSANDRA DE ROSSI
di kailangang umiyak, sumigaw, kahit nakatayo lang, ramdam mo siya. 👏👏👏
Best Child Actor, Euwenn Mikael.
🌟🌟🌟🌟🌟#Firefly #MMFF2023
DIREK ZIG DULAY 🧠🙇♀👍👍👏 pic.twitter.com/kMQ3xokkEt
#Firefly: A Review (10/10)#MMFF2023
-- Nel (@neljosephdotcom) December 25, 2023
Remember that old saying that there's always beauty in simplicity?
That's how Firefly thrives.
There's no over the top acting here, or people screaming at the top of their lungs - not even a very complicated conflict and twist.
(1/7) pic.twitter.com/0YfyBCENfA
Iba talaga yung Zig Dulay apacagaling. Yung execution ng firefly superb makikita mo talaga sa movie na mahal na mahal nya yung ginagawa nya. Best Director 👏 #Firefly#FireflyMovie
-- Chu Paeng (@Kenth78527454) December 26, 2023
Dahil sa nakakaantig na eksena ng Firefly, hindi napigilan ng mga manonood nito na mapaluha sa kuwento ng mag-inang Tonton at Elay (Alessandra De Rossi).
hindi ko mabilang kung ilang beses ako naiyak sa movie na to ang ganda ng bali ng istorya nya simple pero andun lahat may kurot sa puso..after ko manood parang gusto ko umuwi ng bicol at yakapin ng mahigpit ang nanay ko😭
-- marhia graxa (@haspela_g) December 25, 2023
iba ka talaga direk ZIG DULAY#Firefly #MMFF2023 pic.twitter.com/kXuQfKNf15
Punong-puno ang Cinema 6 sa Evia. Hindi ako nahiyang umiyak during many parts of the movie dahil kita ko na marami ring naantig at naiyak. Napakagandang pelikula. Tamang desisyon na unahin ang byahe papuntang Ticao at panoorin ang #Firefly 🥰❤️💕 pic.twitter.com/0ZudzsWqm5
-- Kuya M (マロン。ミゲル) (@marlon_g_miguel) December 25, 2023
Sa ikalawang araw ng showing ng Firefly ngayong December 26, nananatili pa rin ito bilang isa sa trending topics sa X Philippines. Ang hashtag ng pelikulang #FireflyMovie ay may mahigit 14,600 posts.
Bukod kina Alessandra at Euwenn, kasama rin sa Firefly sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, at Yayo Aguila. Mayroon ding special participations sina Max Collins at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Mapapanood pa ang Firefly sa mga sinehan sa buong bansa bilang parte ng Metro Manila Film Festival.