GMA Logo Xu Kai, Yang Mi, She and Her Perfect Husband
What's Hot

Xu Kai, Yang Mi, bring kilig on 'She and Her Perfect Husband'

By EJ Chua
Published December 27, 2023 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Xu Kai, Yang Mi, She and Her Perfect Husband


Patuloy na kinakikiligan ng Pinoy viewers ang Chinese loveteam na sina Xu Kai at Yang Mi sa 'She and Her Perfect Husband.'

Walang humpay ang kilig na dala ng Chinese stars na sina Xu Kai at Yang Mi sa She and Her Perfect Husband.

Sa previous episodes ng serye, unti-unting nagkalapit ang mga puso nina Noah at Felicity, ang mga karakter nina Xu Kai at Yang Mi sa serye.

Nagbago ang takbo ng buhay nina Noah at Felicity nang makilala at makasama nila ang isa't isa.

Pinili ng dalawa na magpanggap sila bilang mag-asawa dahil sa kanya-kanya nilang mga dahilan.

Ilang Filipino viewers ang nakasubaybay sa istorya ng serye, at ang ilan ay talaga namang kinikilig sa tambalan nina Xu Kai at Yang Mi.

Mauwi kaya sa totohanan ang pagkukunwari nina Noah at Felicity?

Matatandaang November 20, 2023, nagsimulang umere sa GMA ang naturang Chinese drama series na handog ng GMA Heart of Asia.

Patuloy na subaybayan ang She and Her Perfect Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.

Samantala, kilalanin ang ilang Pinoy celebrities na may lahing Chinese sa gallery sa ibaba: