
Patok na patok sa mga sinehan ang Firefly, ang pinarangalang Best Picture sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ang Firefly ay sa ilalim ng produksyon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Ito ay pinagbibidahan nina Alessandra De Rossi at Kapuso child actor Euwenn Mikaell, na kinilalang Best Child Performer sa MMFF.
Noong December 30, sold out ang tickets ng Firefly sa ilang sinehan sa Pilipinas patunay ng pagtangkilik ng Pinoy viewers dito.
Mapapanood ang Firefly sa mas marami pang sinehan kabilang ang Commerce Center, Gaisano Grand Citygate Buhangin, Robinsons Iligan, SM City BF Parañaque, SM CDO Downtown, Ayala Malls Solenad, at Sta. Lucia East Grand Mall.
Kinagiliwan naman ng manonood si Euwenn na naglibot sa iba't ibang sinehan kasama ang award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho.
"Ang nakakatuwa po dito sa Firefly whole families 'yung nanonood, hindi lang paisa-isa. 'Yung isa buong angkan pa yata kasi sampu-sampu po sila," sabi ni Jessica sa paglilibot sa mga sinehan kasama si Euwenn.
Umiikot ang kuwento ng Firefly sa paghahanap ni Tonton (Euwenn) sa mahiwagang island of fireflies na ikinuwento lang noon sa kanya ng kanyang inang si Elay (Alessandra).
Kasama rin nina Alessandra at Euwenn sa pelikulang ito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Yayo Aguila, Epy Quizon, at Cherry Pie Picache. Mayroon ding special participation dito sina Max Collins at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
BALIKAN ANG NAGING ADVANCE SCREENING NG 'FIREFLY' SA GALLERY NA ITO: