GMA Logo Running Man Ph runners
Source: gmarunningmanph/IG
What's Hot

'Running Man PH' Season 2, coming soon on GMA

By Kristian Eric Javier
Published January 2, 2024 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Ph runners


Are you ready for season 2, runners?

Magbabalik na ang Running Man PH para sa ikalawa nitong season sa GMA soon.

Umere ang unang season ng show noong 2022 at parte ng mga contestants o runners ng show ay sina Ruru Madrid, Glaiza de Castro, Mikael Daez, Angel Guardian, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, at Buboy Villar.

Nanalo naman bilang first Ultimate Runner si Angel na naging overwhelmed ang mga emosyon sa pagkapanalo at pagtatapos ng show, at inilarawang ang kapwa runners bilang kaniyang pamilya.

“Now that we're down to our last episode ramdam na ramdam ko na yung lungkot. Haaay nakakaiyak pala gumawa ng Reel!! Hahaha,” sabi niya sa isang post.

Nag-iwan din siya ng mensage sa kaniyang “co-mananakbo.”

“To my co-mananakbos i just wanna say na love na love ko kayo and grateful ako sa inyo--the family that's been built during the making of RMPH is incomparable,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, “I never thought na magiging ganito kasaya at ka tight ang samahan natin. Salamat Runners!! At salamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala! Mahal namin kayo!!”

BALIKAN ANG BUONG CAST NG RUNNING MAN PH SA GALLERY NA ITO:

Samantala, bago pa man natapos ang una nilang season ay emosyonal na si Glaiza, na mas kilala sa mga runners bilang si Boss G, sa nalalapit na pagtatapos noon ng series.

“From our first mission to everything that happened in between; here we are down to our last few episodes and we feel what you're all feeling,” pahayag niya sa isang post.

Ang Running Man PH ay ang local adaptation ng longest-running South Korean reality game show na Running Man kung saan binibigyan ang mga contestants na runners ng iba't ibang tasks at tanghalin ang mananalo bilang Ultimate Runner.

Ang local adaptation ay co-production sa pagitan ng GMA Network at SBS Korea.