
Sa pagpasok ng Bagong Taon, dalawang linggo munang magbe-break sa pag-ere ang mystery K-drama na Queen of Masks.
Pahinga muna sa intense na pagpapakaba ang serye mula January 1 hanggang January 12 at magbabalilk sa January 15.
Matapos ang season break ng Queen of Masks, hindi na mapipigilan ang matitinding pasabog at rebelasyon gabi-gabi.
Sa pagpapatuloy ng kwento, maiipit ang magkakaibigang Jaclyn (Kim Sun-ah), Amara (Oh Yoon-ah), Demi (Yoo Sun), at Devon (Shin Eun-jung) dahil sa kanilang paghihiganti kay Victor So (Lee Jung-jin).
Tutukan 'yan sa pagbabalik ng Queen of Masks weeknights, simula January 15, 10:20 p.m. sa GMA Prime.