GMA Logo sanya lopez
What's Hot

Sanya Lopez, nagkaroon ng takot sa pagtanggap ng mga papuri

Published January 12, 2024 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez


Tila nakaranas si Sanya Lopez ng imposter syndrome. Alamin ang detalye rito:

Isa si Sanya Lopez sa mga pinakahinahangaan ngayong aktres. Ngunit inamin niya na noong 2023 ay nagsimula niyang kuwestyunin ang sarili at ang mga ginagawa niya, na kung tawagin ng psychologists ay imposter syndrome.

Ang imposter syndrome ay isang behavioral health phenomenon kung saan nagkakaroon ng self-doubt o kawalan ng tiwala sa sarili at sa mga accomplishments niya ang isang tao.

Sa interview ni Sanya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi niya ang ilang mga pagkakataon kung kailan naranasan niya ang pag-o-overthink at kawalan niya ng tiwala sa sarili.

“Kunyare feeling ko, 'What if magkamali ako sa ganito? What if ganito? Magkamali ako, nag-o-overthink ako. What if hindi ko magawa ng maayos dito, so paano ako?'” pagbabahagi niya.

Paglilinaw ni Sanya ay wala naman nagsasabi sa kaniya ng ganun at sa halip ay puro papuri ang natatanggap niya mula sa mga proyektong ginawa at pinagbidahan niya. Ngunit ayon sa First Lady actress, dito mismo nanggaling sa mga papuri ang takot niya.

“Ang nakakatakot last year 'yung marami ka lang magagandang naririnig and hindi mo alam kung totoo pa ba yung sinasabi nila. So, mas takot ako sa puro magaganda lang yung sinasabi sa akin compared sa sasabihin sayo yung totoo.

“Ang hirap, hindi ko alam, kaya minsan nakaka overthink na, totoo pa ba kayo sa akin? Totoo pa ba 'to? Ako lang ba 'yun?” sabi ni Sanya.

BALIKAN ANG SPARKLING CAREER NI SANYA SA GALLERY NA ITO:

Inamin din ni Sanya na mas nahirapan siyang tanggapin ang mga papuri sa kaniya at madalas ay pinipigilan niya ang sarili tanggapin ang mga ito “para hindi lumaki yung ulo mo.”

Nngunit ngayong 2024, ang plano ni Sanya ay balansehin ang mga duda sa sarili at ang mga papuring natatanggap niya.

“Maging thankful ka lang whenever na may nagsabi sayo. Just accept, 'wag lang ilagay talaga sa ulo na oh ganito ko, ganito ganiyan,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Sanya dito: