GMA Logo janno gibbs
What's Hot

Janno Gibbs, nagde-demand ng public apology mula sa PNP

By Kristian Eric Javier
Published January 16, 2024 12:30 PM PHT
Updated January 16, 2024 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

janno gibbs


Bukod sa mga pulis, na-call out din ni Janno Gibbs ang vloggers na nag-post ng mga fake at malisyosong video tungkol sa kanila ng kanyang yumaong ama.

Humihingi ang aktor at singer na si Janno Gibbs ng public apology mula sa mga police personnel na humawak sa kaso ng pagkamatay ng kaniyang ama, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez.

“I do not wish this on anybody else that's why I'm doing this. Ayoko nang mangyari sa ibang tao itong nangyari sa amin,” pahayag ni Janno sa press conference na ginanap kahapon, January 15.

Ayon kay Janno, nagsimulang kumalat ang maselang video ng kaniyang yumaong ama sa mismong araw ng pagkamatay nito. Nang tanungin niya ang kasama niyang pulis kung bakit may kumalat na video, ang sagot umano sa kaniya, “Naku, sir, hindi natin maiiwasan 'yan, e.”

Pag-alala pa ni Janno sa paliwanag sa kaniya, “'Kasi, pinapasa talaga namin sa mga superiors.' And also our address which endangered us kasi andun 'yung full address.”

Ang video ay kuha ng isa sa mga pulis na rumesponde sa bahay ni Ronaldo bilang bahagi ng case documentation, ngunit para lamang sa internal use ng PNP at hindi dapat isapubliko.

Dahil umano kasama sa video ang address nila, nakuhanan si Janno ng litrato habang sumasailalim sa paraffin test, isang procedure kung saan tinitingnan kung may gun powder residue ang isang tao.

“So, nagalit 'yung doktora na nagpa-paraffin, sabi niya, 'sino 'yun? Habulin niyo!' Hinabol nila, bumalik, 'Wala na po e,' sabi ng doktora, 'Sino ang tao sa baba?' 'Wala po, wala pong tao sa baba,'” pag-alala ni Janno.

“So, anong klaseng police station 'yun, walang bantay?” dagdag pa ng aktor.

Pinansin din ni Janno na tila hindi maayos ang pagproseso ng mga pulis sa crime scene dahil, ayon sa aktor, matapos ang siyam na araw, nagtanong sa kaniya ang mga pulis kung maaaring bumalik para kunin ang slug ng bala.

“Hindi niyo nagawa 'yun nung araw na 'yun? Ang dami niyo, ah? Anong pinrocess niyo?' Di ba, after nine days, 'Ay 'yung slug nga pala.'?” sabi ng aktor.

Bukod pa rito ay tinanong pa siya umano ng mga pulis kung maaaring i-recreate ang crime scene.

TINGNAN ANG CLOSENESS NINA JANNO AT ANG KANYANG YUMAONG AMANG SI RONALDO RITO:

CALLING OUT VLOGGERS

Binigyang-pansin din ni Janno ang ilang mga vloggers na nag-post ng mga inimbento at malisyosong intriga. Ayon sa aktor, isa sa mga video na na-post ay may thumbnail at title na, “Janno Gibbs, umamin na: Inaamin ko, ako ang mastermind ng lahat ng ito. Ginawa ko 'yun dahil kailangan ko ng pera.”

Kuwestiyon ni Janno, “Ganito na ba kababa, kadesperado ang mga vloggers?”

Nag-iwan din siya ng mensahe sa mga vloggers at mga netizens na nag-post at nag-share ng videos at photos, “I want to say shame on you.”

Samantala, sa hiwalay na interview ay nagpahatid ng paumanhin si Police Brigadier General Redrico Maran kay Janno at sa kaniyang pamilya.

“Tayo po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibbs, ganun din sa kanilang mga kaibigan, dahil doon sa sabihin na nating sakit na naidulot ng paglabas ng video,” sabi niya.

Dagdag pa nito ay matapos ang press conference ay nagkausap sila ni Janno sa telepono at personal na ipinahatid ang paghingi niya ng paumanhin.

Panoorin ang report dito: