What's Hot

Marian Rivera, emosyonal na pinasalamatan ang asawang si Dingdong Dantes

By Kristine Kang
Published January 19, 2024 11:49 AM PHT
Updated January 19, 2024 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Dingdong Dantes


Ang primetime power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay pinarangalan bilang Box Office King and Queen para sa pelikulang 'Rewind.'

Hindi mapigilang maluha ni Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera habang pinasasalamatan niya ang kaniyang asawa at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Kamakailan lang, nagdiwang ang buong team ng pelikulang Rewind dahil sa kanilang bagong achievement na highest-grossing Filipino film sa Philippine sales.

Nahigitan din nila ang pelikulang pinagbidahan dati ng Asia's Multimedia star Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Dahil sa laking saya at pasasalamat, hindi mapigilan ng certified Box Office King and Queen na mapaluha habang inanunsyo ang bagong parangal ng pelikula sa kanilang pagtitipon.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, naging emosyonal si Marian dahil para sa kaniya, hindi niya magagampanan ng maayos ang kaniyang role kung wala ang kaniyang asawa.

"Hindi ko magagawa yung karakter ni Mary, [kung] hindi si Dong ang partner ko. Si Dong 'yung palaging nagche-cheer sa akin na kaya ko gawin ang mga bagay-bagay kasi 'yung ginagawa ko ito, natatakot ako. Sabi ko parang 'Baka hindi ko magampanan si Mary kasi natatakot ako sa expectation ng lahat ng tao' kasi after 13 years bumalik ako para magtrabaho," paiyak na sinabi ni Marian.

Sinabi rin ng Kapuso royal couple na sulit din ang isinakripisyo nilang holidays na hindi kasama ang kanilang pamilya at mas inspired sila gumawa ngayon ng iba pang mga pelikula.

Ang Rewind ay isa sa mga pelikulang kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

IN PHOTOS: Marian Rivera and Dingdong Dantes's long weekend vacay

Maliban sa bagong parangal sa mag-asawa, feeling blessed din ang dalawa dahil maraming dapat abangan sa kanila ngayong 2024.

Mapapanood ulit ang kanilang sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 ngayong Linggo, kasama ang mga bagong karakter katulad ni Pokwang, at mas marami pang kulitan ang aabangan sa programa.

Excited din ang Kapuso couple dahil matagal na nilang gustong bumalik sa programa at magpatawa naman sa mga tao.

Si Marian naman ay babalik sa GMA Prime sa ipapalabas na My Guardian Alien, kung saan makakasama na niya si Gabby Concepcion.

Para naman kay Dingdong, mapapanood pa rin siya sa game show na Family Feud at sa wildlife adventure program na Amazing Earth.

Related content: The beauty of Marian Rivera through the lens of Dingdong Dantes