
Bongga ang simula ng 2024 para sa versatile TV actress na si Rita Daniela matapos ianunsyo na mapapabilang siya sa inaabangang GMA Prime series na Widows' War na pinagbibidahan nina primetime goddess Carla Abellana at multi-awarded star Bea Alonzo.
Dumalo si Rita sa star-studded story conference para sa big project na ito noong Miyerkules, January 24, kung saan ibinahagi din niya na ang pangalan ng role niya bilang si Rebecca Palacios.
Nagbigay naman ng suporta ang kapwa celebrities kay Rita sa bago niyang primetime series tulad nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Ara Mina.
Kasama rin sa Widow's War sina Jean Garcia, Jackie Lou Blanco, Jeric Gonzales, Benjamin Alves, at marami pang iba.
SEE THE STORY CONFERENCE BELOW:
Huling napanood sa isang soap si Rita Daniela noong 2021 at isinilang niya ang kanyang baby boy na si Uno last December 2022.