
Inihayag ni Carla Abellana ang kaniyang gagawin sakaling magkaharap sila muli ni kaniyang dating asawa na si Tom Rodriguez.
Sa interview ni Nelson Canlas, ikinuwento ni Carla ang kaniyang tunay na nararamdaman sakaling magkasalubong sila ng kaniyang ex-husband na si Tom.
Sina Carla at Tom ay napabalitang nag-file ng divorce noong 2022. Sila ay ikinasal noong October 2021.
Saad ni Carla kay Nelson, "I don't feel intimidated, scared, nervous. Wala namang ganoon. Of course artista siya, may obligation siya. He's a Kapuso."
RELATED GALLERY: Carla Abellana happily reaffirms ties with GMA Network
Dugtong pa ni Carla, "Dadating naman talaga 'yung day na babalik siya sa trabaho. Hindi naman maiiwasan 'yan."
Si Tom ay napabalitang nasa Pilipinas na base sa post ng manager na si Popoy Caritativo.
Nilinaw ni Carla na dahil nasa showbiz industry silang dalawa ay hindi nila maiiwasan na magkita.
"I think naman okey lang. Ready naman ako. Hindi naman ako 'yung type na, 'Ay, ayoko' or avoidance or what."
January 29, pumirma muli sa GMA Network ang Kapuso Primetime Goddess na si Carla. Kasalukuyang napapanood si Carla sa GMA Afternoon Prime series na Stolen Life. Mapapanood din si Carla soon sa Widow's War.
MEANWHILE, SEE CARLA ABELLANA'S MOST MEMORABLE ROLES HERE: