What's Hot

Irma Adlawan: First time maging lesbian

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



"Kaya ako naging lesbian because I was brokenhearted.” - Irma Adlawan on her role in 'My BFF'
By EUNICIA MEDIODIA
 
Makakasama ang Kapuso actress na si Irma Adlawan sa bagong offering ng GMA na My BFF. Ang magiging role niya rito ay first time niyang gagawin.
 
“Ako si Tonying, best friend ni Lolo Gerry, si Pen Medina, na lolo ni Chelsea (Jillian Ward) at saka ni Mona [Louise Rey]. First time ako gaganap na tiboli,” paglalahad niya.
 
Dagdag niya, “Sabi nila magkakaroon kami ng love affair. ‘Yun ang ibo-boost ng GMA.”
 
Hindi naman naging mahirap ang first lesbian role niya dahil marami naman daw siyang kilalang lesbians na nakakakuha siya ng ideas kung paano ang mannerisms, tayo at lakad.
 
Kuwento niya tungkol sa kanyang role rito, “Kaya ako naging lesbian because I was brokenhearted. Naloko ako ng lalaki. Binura ko sila sa aking listahan. Ayoko na maging babae kasi masakit so lalaki na lang ako.”
 
Pero kung sakali man magkaroon ng love affair siya sa isang babae sa palabas na ito, hihingan niya raw ng advice ang mga kaibigan niya.
 
“Marami kasi akong kaibigan so ‘yong just observing them and knowing them and seeing them was ample for me. Wala pa namang hinihingi, wala pang love affair. By that time kung may ka-affair ako na babae, saka ako magtatanong.”
 
Most of the time raw ang nakukuhang role ni Irma ay laging martyr o di kaya’y sobrang masama, kontrabidang babae o mabait na nanay.
 
“This is the first time I am doing it so bago sa akin. Bago lahat pati pagsasalita, pati ‘yong asta, walang high heels, walang daster, laging naka-maong, t-shirt na maluwag, rubber shoes, tsinelas. Most of the time ako ‘yong laging martyr or ako ‘yong sobrang masama, extremes pero laging babae. Kontrabidang babae or mabait na nanay. Or matronang mayamang matapobre. Never pa ako napunta rito sa tomboy,” ayon sa kanya.
 
Hangang-hanga rin siya sa angking talento ng dalawang bidang babae na si Jillian Ward at Mona Louise Rey. Nakatrabaho niya na rin si Mona rati at para naman kay Jillian, first time niya ito makakasama sa isang show.
 
Ang first impression niya kay Jillian ay masayahin at magaling sa eksena lalo na sa iyakan.
 
“Ang galing umiyak! Ako kasi ayoko na ayoko ‘yong umiiyak. If you ask me, ayoko niyan. Sa akin, sign of weakness. ‘Yong mga iyakan, talagang ang preparation ko grabe. Siya grabe (Jillian), umiiyak na pala siya,” paghanga niyang sabi.