GMA Logo Marian Rivera
source: marianrivera/IG
What's Hot

Marian Rivera, excited na para sa proyekto niyang 'My Guardian Alien'

By Kristian Eric Javier
Published February 6, 2024 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ayon kay Marian Rivera, para sa mga anak niyang sina Zia at Sixto ang kaniyang comeback project na 'My Guardian Alien.'

Excited na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa upcoming project niya na My Guardian Alien. Bukod kasi sa pagiging comeback series niya ito, excited na rin siya na mapanood ng mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto ang serye.

“'Yun naman talaga ang hiling ko sa GMA na kung gagawa ako at magka-comeback ako, gusto ko mapapanood ng mga anak ko at may matututunan sila sa ginagawa ko which is binigay naman,” sabi ni Marian sa interview niya kay Aubrey Carampel para sa “Chika Minute” sa 24 Oras.

Ayon kay Marian ay naging madali para sa kaniya ang role ni Katherine na gagampanan niya sa serye dahil hindi ito umano nalalayo sa kaniyang totoong buhay.

“Mapagmahal na nanay, tapos mahilig kasi siya gumawa ng mga kuwento at 'yun ang very excited ako, na mai-share ito sa ibang mga bata,” pagbabahagi niya.

ALAMIN ANG ANG MGA FAVORITE ROLE NI MARIAN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, excited na rin ang aktor na si Gabby Concepcion na makatrabaho si Marian sa unang pagkakataon at sinabing masarap kasama sa set ang aktres dahil parati itong nakangiti.

Makakasama naman nila sa serye si Raphael Landicho, na hindi rin nahirapan sa role niya bilang anak nina Marian at Gabby dahil hindi ito nalalayo sa role niya bilang si Little John sa Voltes V: Legacy.

“Actually medyo similar sila sa Voltes V, pareho silang mapagmahal sa nanay atsaka pareho silang genius,” sabi ni Raphael tungkol sa kaniyang karakter.

Para naman sa direktor ng serye na si Zig Dulay, gagawin nilang tila isang collaboration ang serye, katulad ng ginawa niya sa Manila international Film Festival Best Picture awardee na FireFly.

“Hindi lang ako 'yung nakatayo sa gitna kundi tinutulungan ka ng buong team para mas mapaganda 'yung teleserye o mas mapaganda 'yung ginagawa ninyo mismo,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Marian kung gaano siya ka-proud sa pagkapanalo ni Dingdong bilang best actor sa naganap na MIFF, at ikinuwento na magkausap sila sa text ng mga panahong iyon. Sinabi pa raw sa kaniya ng asawa na hindi ito nag-eexpect ng panalo sa awards night.

“Sabi ko, 'Ok lang, at least nandiyan ka.' Tapos tumatawag siya, 'nanalo ako, nanalo ako.' sabi ko, 'deserve mo 'yan' at talaga namang napakahusay niya sa Rewind,'” pagbabahagi ni Marian.