GMA Logo Toni Gonzaga at Alex Gonzaga
Courtesy: celestinegonzaga (IG)
What's Hot

Toni Gonzaga, paano nga ba napalapit sa kapatid na si Alex?

Published February 6, 2024 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Toni Gonzaga at Alex Gonzaga


Toni Gonzaga sa kapatid na si Alex Gonzaga: “Hindi kami magkasundo nung bata kami…”

Ang magkapatid na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga ay kabilang sa showbiz personalities na sinusubaybayan ng maraming Pinoy viewers.

Kamakailan lang, napanood si Toni bilang guest sa vlog ng entertainment writer at content creator na si Aster Amoyo.

Sa naturang vlog, may ini-reveal ang kilalang host-actress at content creator tungkol sa kanya at sa kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Pag-amin ni Toni, “Hindi kami magkasundo nung bata kami. Lagi akong asar sa kanya, siya rin laging asar sa akin. Hindi talaga kami magtugma at magkaiba talaga ang personality namin.”

Kasunod nito, ibinahagi na niya kung paano nagsimula ang pagkakasundo at closeness nila ni Alex.

Pahayag niya, “Nag-ayos lang kami… naintindihan namin na magkakampi kami at magkaibigan pala kami nung 20s na ako, nung na-brokenhearted ako.”

Dagdag pa ni Toni, “Sabi niya, so brokenhearted ka… Sabi ko, ay brokenhearted ka rin, grabe. Doon lang kami nagtugma na parehas pala tayong nage-emote… doon lang nung naging brokenhearted kami.”

Sila Toni at Alex ay kilala sa Philippine entertainment industry bilang mga aktres at content creators.

Ang magkapatid ay mga anak nina Carlito “Bonoy” at Crisanta “Pinty” Gonzaga na vloggers na rin ngayon tulad ng kanilang mga anak.