GMA Logo Bea Alonzo
What's Hot

Bea Alonzo on greatest love lesson: 'That you cannot give what you do not have'

Published February 7, 2024 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Sa isang recent na event kung saan dumalo si Bea Alonzo, ito ang naging makahulugang sagot ng aktres tungkol sa greatest love lesson na natutunan niya.

The signs were there, but we're just in denial, or baka naman optimistic lang talaga ang mga tao?

Tila ito ang general na sentimyento ng mga tao matapos ma-i-konek ang pagiging mailap ni Bea Alonzo sa mga relationship-related questions, partikular na ang tungkol sa kanyang kasal kay Dominic Roque, sa isang nagdaang event ng Oppo (ang smartphone brand na kanyang ineendorso), ilang araw bago pumutok ang balita na hiwalay na sila ng kanyang fiance.

Sa isa sa kanyang interviews, tinanong si Bea Alonzo ng isang writer, 'What's the greatest lesson that you learned about love?"

Pinag-isipan ito nang mabuti ng aktres, napangiti, at sumagot: "That you cannot give what you do not have."

Patuloy ni Bea, "You have to be full as a person, you have to know yourself better and you have to love yourself before you can give love to others."

May isa pang reporter na nagtanong, "What's the piece of dating advice you would give your younger self?"

Napangiti muli ang Widows' War star at sinabing, "Puro ano talaga e 'no kasi love month, haha."

Napatingin sa itaas muli ang dalaga na para bang nag-iisip talaga ng kanyang isasagot.

Sumagot si Bea nang nakangiti, "Never chase, just attract."

Nauna na ang interviews sa kanya ng 24 Oras at ilang press kung saan tila naging matipid ang mga sagot ni Bea Alonzo tungkol sa kanyang kasal at sa kanyang nobyo.

"He's also very busy just like me. He's focusing on his health also. He plays tennis everyday," sagot ni Bea nang kumustahin ng 24 Oras si Dominic.

Dagdag ni Bea, "I like how self-assured he is and that he's not insecure as a guy."

Sa naturang event, natanong rin Bea kung may updates na ba sa kanyang wedding na pwedeng i-share sa publiko.

"Wala pa, wala pa. Sorry wala ma-share e."

Tinanong rin kung sino na ang invited sa kanyang wedding, partikular na ang KathNiel or sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi niya ito sinagot nang diretso. "Alam mo wala pa talaga, so I can't tell you anything just yet."

"What's your ideal type of wedding?," sundot na tanong naman ng isa pang reporter.

"I'll tell you kapag meron na akong idea," sagot ni Bea, sabay tawa. "But right now wala pa."

Wala ring naibigay na sagot si Bea Alonzo sa mga tanong tungkol sa mga ninong at ninang sa kanyang kasal.

"Wala pa talaga. Wala ako masabi sa inyo. Wala talaga pa."


CHECK OUT THE BEA ALONZO AND DOMINIC ROQUE'S RELATIONSHIP TIMELINE IN THIS GALLERY: