
Kinaaliwan ng fans ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda ang throwback episode ng multi-awarded comedian sa patok na morning talk show ng SiS.
Sa lifestyle channel ng ATM, mapapanood ang naging chikahan ng SiS hosts na sina Gelli de Belen at Janice de Belen with Vice at iba pang stand-up comedians.
Makikita rin sa naturang episode ang magagaling na komedyante tulad ng yumaong direktor na si Phillip Lazaro at Anton Diva.
Dito ikinuwento ni Vice ang experience nila sa mga customer na pumupunta sa comedy bar at kung may time ba na may napikon sa ginagawa nilang pang-ookray.
Lahad ng Kapamilya comedian, “Mas maganda 'yun, kunwari sasagutin ka, mas maganda 'yun. Pero huwag lang 'yung sagot na iba 'yung sagot. Kasi may sagot na nakakatakot, e. Parang mananakit.”
Dagdag pa ni Vice, “Mas maganda 'yung game, 'yung inookray mo, ookrayin ka rin. Para mas gusto ng tao.”
“Kailangan flexible ka, kaya mo paikutin 'yung pangyayari. 'Yung iba, nagugulat, hindi makakasagot. Kasi ikaw mapapahiya, kasi host ka, kailangan ready ka sa ganung eksena.”
Sa isa pang bahagi ng guesting ni Vice, sinabi nito na may epekto rin sa mood ng kanilang customer kapag umuulan.
“Yung joke mo kagabi, super applauded 'yun. Ginamit mo ngayon, hindi inapplause-an. Samantalang pareho lang naman.
“Lalo na kapag umuulan, pangit [at] mababa ang energy ng tao. Ang hirap-hirap mag-perform sa tuwing umuulan. Apektado ka, 'yung may show ka tapos umuulan.” paliwanag ni Vice.
RELATED CONTENT: THROWBACK PERFORMANCE OF VICE GANDA IN GMA-7
INSET: Vice Inside
IAT: Vice Ganda on SiS xx Source: ATM (YT) & SiS