GMA Logo james yap
What's Hot

James Yap says goodbye to his no. 18 jersey

By EJ Chua
Published February 9, 2024 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - NBI serves warrant of arrest against Sarah Discaya today, Dec. 18, 2025 | GMA Integrated News
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

james yap


James Yap: "Farewell Eighteen…"

Naging sentimental si James Yap nang magpaalam siya sa jersey number na ginamit at inalagaan niya sa loob ng matagal na panahon.

Ang pagpapaalam niya sa jersey no. 18 ay kaugnay ng bagong journey niya sa pagiging miyembro na ngayon ng Blackwater Team.

Mula sa kanyang pagseseryoso sa sport na basketball, iba't ibang liga, at maging sa pagpasok niya sa Philippine Basketball Association (PBA) ang numero na 18 na ang kanyang ginagamit.

Sa Instagram, makikita ang post ng basketball player tungkol sa pagpapaalam niya sa naturang jersey number.

Makikita rito ang unang larawan niya habang suot ang kanyang jersey na no. 18 at kasunod nito ay ang larawan naman niya habang suot ang isang jersey na may nakalagay na no. 15.

Kakabit ng mga larawan ay ang kanyang caption na, “Farewell Eighteen… the jersey number I've always had since I started playing serious basketball… from Hua Siong College Iloilo, to UE, to PBL, and then PBA.”

Ayon pa sa kanya, “I guess it's safe to say that this number will always be a part of me, my career, my whole life.”

Kasunod nito, lubos niyang ipinagpasalamat ang mga karanasan at tagumpay na nakamit niya kasama ang kanyang no.18 na jersey number.

“Thank you God for the privilege, the blessings, the awards, and championships I got, while carrying this number. Grateful ako sa lahat ng hirap at lahat ng saya na dumating sa buhay ko, habang bitbit ko ang number na'to,” pahayag niya.

Tinapos naman niya ang kanyang caption sa pagpapakilala ng bagong jersey number na gagamitin niya bilang isang basketball player.

Sabi niya, “As I move into a new team, a number will be given to me. Sana suportahan niyo parin ako, wala naman magbabago… iiwanan ko lang ang number 18, pero hindi ang BASKETBALL.”

Dagdag pa niya, “Thank you and goodbye number 18, that was a meaningful and unforgettable run. Say hello to your new Bossing, James Yap, number 15. #BossingJames.”

A post shared by James Carlos Yap (@jamesyap18)

Samantala, kapansin-pansin na nae-enjoy ni James ang pagiging ama sa kanyang mga anak sa partner niya na si Michela Cazzola.

Si James ay ex-partner ni Kris Aquino, na nanay ng anak niyang si Bimby.

Narito ang iba pang mga anak ni James Yap: