
Ang aktres at content creator na si Kristel Fulgar ay may nakakakilig na video sa YouTube channel.
Sa kaniyang latest upload na "My Korean Suitor? (Ludensia + Nami Island)" may kasamang Korean guy si Kristel habang namamasyal.
PHOTO SOURCE: @kristelfulgar
Kinilig ang mga sumusubaybay sa buhay ni Kristel dahil tila may "face reveal" at "soft launch" na karelasyon ang actress turned vlogger sa kaniyang video.
Saad ng isang netizen, "kaway kaway sa mga kinilig sa oppa reveal ni ateng kristel "
Ayon naman sa isang subscriber ni Kristel ay napansin niya ang nakakakilig na gestures para kay Kristel.
"I love how they're laughing all the time na talagang nag-e-enjoy sila sa presence ng isat-isa. Also grabe the love language ni guy ah the act of service."
PHOTO SOURCE: YouTube
Kapansin-pansin daw ang chemistry nina Kristel at ng kaniyang "Korean suitor."
Saad ng netizen, "Ako lang ba dito nakangiti sa umpisa palang hanggang dulo! Grabe yung chemistry nilang dalawa mas nakikita ko sa mata ni kristel na genuinely happy talaga siya. Sana Lord kung siya talaga para kay kristel bigay niyo na po wag niyo na po hayaan masaktan siya uli."
Panoorin ang My Korean suitor? vlog ni Kristel dito:
Samantala, kilalanin ang actress, vlogger, and Hallyu fan na si Kristel Fulgar