GMA Logo nadine lustre
Source: @vivaoneph on Instagram
What's Hot

Nadine Lustre on celebrity breakups: 'Hindi na ako kasali diyan'

By Nherz Almo
Published February 12, 2024 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

nadine lustre


Nadine Lustre suportado ng kanyang boyfriend na si Christophe Bariou sa kanyang showbiz career.

Isa na namang pangarap ang natupad ni Nadine Lustre bilang aktres dahil nakagawa na siya ng action-packed project, ang four-part digital series na Roadkillers, na mapapanood soon sa Viva One.

Sa special screening ng proyektong pinagbibidahan niya, nabanggit ng 30-year-old actress na sobrang natuwa siyang gampanan ang karakter niyang si Stacey.

“Alam n'yo naman po, gustung-gusto kong mag-action,” panimulang kuwento ni Nadine.

“And si direk [Rae Red] din, noong pinitch sa akin ni direk yung project, siyempre, I would say yes kasi matagal ko na talagang gustong mag-action.

“I guess, with regards to preparation, nag-training din ako sa firing, yung paghawak ng gun, assembling. Mga stunts din namin, we really had to rehearse that. Kasi lalo na yung environment, yung condition is ano… nakita nyo naman yung eksena yung mabuhangin, dirt, ganun, mabato. So, ano talaga, very tricky talaga.

“And as much as possible, sila direk they want it yung mga stunts realistic. I mean, hindi siya yung parang action movie na… You know what I mean, it's still very realistic. At the end of the day, hindi naman super hero si Stacey, normal naman siyang tao. It's really a lot of that. Pero sobrang na-enjoy ko siya, especially yung gun training.”

A post shared by VivaOne (@vivaoneph)

Sa hiwalay na panayam pagkatapos ng special screening, natanong si Nadine kung ano ang reaksiyon ng kanyang boyfriend na si Christophe Bariou tungkol sa kanya bilang lead actress Roadkillers.

“Siyempre, natatawa siya kapag napapanood niya [ako],” sagot ng aktres.

Patuloy niya, “Kasi kapag nakikita niya ako sa screen, feeling niya ibang tao ako. Of course, he's proud of me Kahit yung Deleter, noong pinanood niya sa sinehan kasi premiere night yun, parang hindi niya ma-imagine na ako yun.

“Ibang-iba raw kasi ako kapag nagwo-work. Feeling niya ibang tao ako. He's very proud of the projects kasi some of the shoots, nandoon siya, e. Nakikita niya kung gaano kahirap yung shoot kaya super happy siya.”

Samantala, kinuha na rin ng entertainment press ang pagkakataong ito na tanungin si Nadine tungkol sa sunud-sunod na paghihiwalay ng celebrity couples.

Natatawang sagot ni Nadine, “Okay na ako, guys. Hindi na ako kasali diyan. Okay na ako.”

TINGNAN ANG BEST ACTRESS NOMINATIONS NI NADINE LUSTRE RITO;