GMA Logo Marco Masa and Ashley Sarmiento
What's Hot

Marco Masa and Ashley Sarmiento, labis ang pasasalamat sa kanilang fans

By Dianne Mariano
Published February 12, 2024 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa and Ashley Sarmiento


May taos-pusong mensahe ang Sparkle love team na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento, o AshCo, para sa kanilang fans. Alamin DITO.

Opisyal na inilunsad ang Kapuso teen stars na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento bilang bagong love teams ng Sparkle, kasama sina Bryce Eusebio at Princess Aliyah, o PrYce, sa isang event na naganap sa Quezon City kamakailan.

New love teams alert! Marco Masa, Ashley Sarmiento, Bryce Eusebio, and Princess Aliyah bring on the kilig

Sa panayam ng GMANetwork.com kina Marco at Ashley, grateful at excited ang Kapuso teen stars na makapaghatid ng saya at kilig ngayong sila'y official love team na.

“We're really excited po dahil natupad na 'yung mga gusto ng fans. Excited kami for them and excited kami na mag-spread ng more happiness and love,” pagbabahagi ng dating child actress.

Mayroon ding taos-pusong mensahe sina Marco at Ashley para sa kanilang fans na patuloy na sumusuporta sa kanila.

“Thank you so much po sa suporta n'yo kasi kung hindi po talaga dahil sa inyo, wala po kami ngayon dito,” ani Ashley.

Dagdag naman ni Marco, “That's why we are very thankful po talaga. Wala po kami rito ngayon kung hindi dahil sa inyo. And ngayong na-launch na kami as official love team, we promise to do our best and, of course, share the kilig and ito na po 'yung hinihintay natin.”

Bukod dito, ibinahagi rin ng dalawang teen stars ang mga katangian na gusto nila sa isa't isa. Para kay Ashley, gusto niya ang ngiti ni Marco at kung gaano ka-dedikado ang huli sa trabaho nito bilang aktor.

“Sabihin ko 'yung isa sa physical attributes, 'yung smile niya. And then 'yung dedication niya sa work, 'yung pagiging hardworking niya, and pagpu-pursue niya sa passion niya kasi very focused siya sa goal,” pagbabahagi ni Ashley.

Gaya ni Ashley, gusto rin ni Marco ang ngiti ng aktres, pati na rin ang tawa nito. Gusto rin ng dating child actor ang pagiging totoo, o genuine, ng kanyang ka-love team.

"'Yung smile niya talagang nakakahawa and 'yung tawa niya po, 'yun po talaga 'yung nakakahawa sa kanya. Nagbabago 'yung tawa niya.

"Sa personality niya, sobrang genuine niyang tao. And behind the smiles and tawa na we share with each other, mas may lalim sa personality niya," saad ni Marco.

Kasalukuyang bumibida sina Marco Masa at Ashley Sarmiento sa unang istorya ng Sparkle TikTok Kilig Series na “Secret Notes,” na mapapanood simula February 8 hanggang February 14 sa official TikTok account ng Sparkle GMA Artist Center.