
Masayang-masaya ang batikang TV host na si Boy Abunda na mananatili siyang Kapuso matapos niyang muling pumirma ng kontrata sa GMA Network nitong Lunes, February 12.
Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Masaya. Ako'y masaya dahil…sabi ko nga binigyan ako ng pagkakataong makatrabaho ang napakasayang community of people.
“I go to the set of Fast Talk looking forward to meeting with our staff. Our community of writers, production, and technical, we're just really one happy bunch of people up there.”
Noong December 15, 2022 nang magbalik sa GMA si Boy matapos ang mahigit dalawang dekada. January 2023 naman sinimulan ang kanyang talk show sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda.
Sa kanyang unang taon bilang nagbabalik-Kapuso naging hurado rin si Boy ng reality-talent search na Battle of the Judges.
Sa isang interview, tinanong si Boy ng GMANetwork.com kung ano ang mga dapat abangan sa kanya ngayong taon.
Sagot niya, “Gusto ko pang gumawa ulit ng Bubble Gang. Totoo 'yun. Enjoy ako do'n and of course if Dingdong [Dantes] calls me to do [Family] Feud. I'll do it. Nag-TiktoClock na ako. 'Yung Unang Hirit lamang gusto ko sanang pumunta [kaya lang] masyadong napaka-aga. But kahit naman saan, kung saan mo ako itulak, pupunta ako doon, hangga't kaya.”
Samantala, nangako rin si Boy na ipagpapatuloy niya pa rin ang kanyang trabaho bilang isang mahusay at respetadong TV at talk show host.
“It takes a village to be able to do a 20-minute talk show. I don't do this alone, I do this with a community of committed people. I will continue to do the show with gratitude and with love.”
RELATED GALLERY: Boy Abunda, nag-renew ng kontrata sa GMA Network