GMA Logo Alfred Vargas and Nadine Samonte at Forever Young story conference
What's Hot

Alfred Vargas at Nadine Samonte, bilib sa ipapakitang galing ni Euwenn Mikaell sa 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published February 14, 2024 10:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas and Nadine Samonte at Forever Young story conference


Gaganap sina Alfred Vargas at Nadine Samonte bilang mga magulang ng pagbibidahang karakter ni Euwenn Mikaell sa upcoming afternoon series na 'Forever Young.'

Ngayon pa lamang ay puno na ng papuri sina Alfred Vargas at Nadine Samonte sa award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.

Gaganap sina Alfred at Nadine bilang mga magulang ni Rambo, ang karakter na pagbibidahan ni Euwenn sa bagong inspirational drama series ng GMA na Forever Young.


Nadine Samonte Alfred Vargas at Euwenn Mikaell sa script reading ng Forever Young

Proud na pagbabahagi ni Alfred, magiging "revelation" ang Forever Young sa husay at puso ng batang aktor pagdating sa pag-arte.

"Ako second time ko pa lang ma-meet si Euwenn pero believe ako sa kanya. Ito makikita ng audience, ng lahat ng mga Kapuso natin revelation 'to," sabi ni Alfred.

Pagpapatuloy ng aktor, "Malalim na bata s'ya for his age pero at the same time magaan kasama. Ako nakikita ko 'yung anak ko sa kanya. Nu'ng first workshop namin naramdaman ko 'yung connection, nag-connect kami agad kasi he's someone intuitive at saka may puso talaga na makikita ng mga Kapuso natin."

Dagdag ni Nadine, magaling at matalinong batang aktor si Euwenn. "Kasi nakaeksena ko na rin s'ya sa Tadhana so mag-ina rin kami, magaling s'yang artista talaga. Actually, kinakabahan din ako na kaeksena s'ya kasi ganoon s'ya kagaling. Kaya I'm very excited and happy sa project na ito."

Para kay Alfred, excited at masaya siya na mapasama sa cast ng Forever Young dahil na rin sa inspirasyon na maibibigay ng serye sa manonood.

"I'm very happy na mapasama rito kasi lahat ng aspeto na pampamilya nandito. Napi-feel ko na eksakto rin sa panahon ko ngayon ng pagiging tatay ko," sabi ni Alfred. "And I'm happy kasi [si Nadine] kasama ko, napakagaling na aktres nito."

Tulad ni Alfred, "happy at excited" din si Nadine sa mga makakatrabaho sa serye at sa kakaibang kuwentong hatid ng Forever Young.

"Si Alfred nakasama ko siya before, kami 'yung mag-asawa rito so I feel comfortable na kasama ko siya. Alam kong magaling din [s'ya] so hindi na ako masyadong mahihirapan kapag kaeksena ko si Alfred. Pero the rest medyo nakaka-pressure, nakakaba--knowing Mr. Michael [de Mesa] and Ms. Eula [Valdes]. Pero nakakatuwa, nandoon 'yung excitement na gagalingan ko 'to," ani Nadine.

Dagdag ng aktres, "And, it's a different story. Kakaiba s'ya and I think first time na maglalabas ng ganitong klaseng story so kaabang-abang talaga."

Forever Young cast sa kanilang story conference

Iikot ang Forever Young sa pambihirang kuwento ni Rambo (Euwenn), 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Makakasama rin sa cast ng Forever Young sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.

Ang Forever Young ay sasailalim sa direksyon nina Gil Tejada Jr. at Rechie Del Carmen.

Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: