
Ipinakita ng actress-host na si Anne Curtis ang kanyang new look kamakailan.
Related gallery: The many looks of Anne Curtis that prove her beauty is timeless
Sa Instagram, ibinahagi ng It's Showtime host ang kanyang mga larawan, kung saan ipinakita niya ang kanyang long red hair habang nakasuot ng black and white outfit.
“In my Red era,” sulat niya sa caption.
Sa comments section, namangha ang ilang local celebrities at netizens sa ganda ng Filipina-Australian artist at pinusuan ang new look nito.
Ani ng content creator at Shining Inheritance actress na si Charlize Ruth Reyes, o Charuth, “Wait lang kaka-bleach pa lang namin dahil sa blonde look mo madam.”
Samantala, nag-comment ng heart-eyed emojis ang Korean host na si Ryan Bang, habang ang celebrity stylist na si Liz Uy ay nag-iwan three fire emojis sa comments section.
Ipinagdiwang ni Anne Curtis ang kanyang 39th birthday sa Australia noong February 17 at um-attend sa concert ni Taylor Swift kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Isabelle Daza, Martine Ho, at Nicole Warne.
Naghahanda na rin si Anne para sa kanyang pasabog na birthday celebration sa It's Showtime na gaganapin sa darating na Sabado (February 24).
Noong January, ipinakita ng 39-year-old star ang kanyang long blonde hair na pinusuan din ng celebrities at netizens.
Subaybayan si Anne sa noontime program na It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.