GMA Logo Camille Prats and Shayne Sava
What's on TV

Camille Prats, grateful dahil madaling katrabaho si Shayne Sava

By Kristian Eric Javier
Published February 20, 2024 4:45 PM PHT
Updated January 30, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats and Shayne Sava


Grateful si Camille Prats na makakatrabaho niyang muli si Shayne Sava sa 'Mommy Dearest.' Alamin kung bakit.

Muling magsasama sa upcoming series na Mommy Dearest ang Kapuso stars na sina Camille Prats at Shayne Sava. Huling nagsama ang dalawa sa GMA Afternoon Prime series na AraBella at ayon kay Camille, grateful siya dahil madaling katrabaho ang young actress.

Sa storycon na naganap noong January 13, sinabi ni Camille na noong gumanap sila ni Shayne bilang mag-ina sa AraBella ay nakita na niya kaagad ang pagiging professional ng batang aktres.

“Ang gaan, ang dali, si Shayne kasi, she's very easy to work with because of her eyes. Her eyes are so expressive and when she feels talaga, nararamdaman ko 'yung emosyon niya and [we] help each other,” sabi niya.

Dagdag pa ni Camille ay napakadali para sa kanila na gawin ang crying scenes sa kanilang afternoon series dahil nagtutulungan sila “just by staring at each other.”

Pagdating sa kanilang bagong series, aminado si Camille na inakala niyang madali na ito dahil sanay na sila sa isa't isa ngunit nagkamali siya dahil ibang klaseng istorya ang gagawin nila.

“Kasi this isn't just drama and crying together, this is a different thing na pagtatrabahuhan namin. Magkaiba 'yung emosyon namin,” sabi niya.

Buti na lamang daw ay mayroon nang nabuong working relationship sina Camille at Shayne.

“Kilala ko na siya, alam ko work ethics niya, which is very important to me. We have a wonderful relationship, parang mag-ate, hindi mag-mommy. And 'yun, 'yung 'yung nilu-look forward ko kay Shayne,” sabi ni Camille.

BALIKAN ANG PAGKIKITA NG 'MOMMY DEAREST'CAST SA KANILANG STORYCON SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa interview naman ni Shayne sa parehong storycon, sinabi niyang excited na rin siyang makatrabaho ang mga aktor makakasama niya sa serye lalo na si Camille.

“Nakakakaba pero at the same time, nakaka-excite kasi kasama ko po uli si Ate Cams, which is comfortable na po talaga ako ka-work siya,” pagtatapos ni Shayne.