GMA Logo marian rivera and zig dulay
What's Hot

Marian Rivera on 'My Guardian Alien' director Zig Dulay: 'Sobrang dali katrabaho'

By Dianne Mariano
Published February 20, 2024 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Middle-class, maaaring tumanggap ng ayudang AICS ng DSWD; alamin ang proseso
Gibiling Bag sa Minglanilla, Cebu, Nakamugna og Kahadlok | Balitang Bisdak
This coffee chain just gave its matcha drinks a creamier, richer upgrade

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera and zig dulay


Inilahad ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kung bakit gusto niyang katrabaho si Direk Zig Dulay sa 'My Guardian Alien.' Alamin dito:

Kaabang-abang ang pagbabalik-primetime ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ngayong taon.

Bibida si Marian sa upcoming primetime series na My Guardian Alien kasama sina Gabby Concepcion at Max Collins.
Link:

Related gallery: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Marian sa event ng isang local appliance brand, ibinahagi niya ang kanyang karanasang makatrabaho ang direktor ng serye na si Zig Dulay.

Si Direk Zig ay ang direktor ng MMFF 2023 Best Picture na Firefly at nagwagi bilang Best Director sa 2024 Manila International Film Festival.

Ayon kay Marian, madaling katrabaho si Direk Zig dahil sa pagiging collaborative nito at handang tumulong sa pagbibigay-buhay sa mga karakter sa serye.

“Sobrang dali katrabaho. Sabi ko nga, ito 'yung mga masarap katrabaho na direktor na very open sila kung paano mo ie-execute 'yung character.

“At kung mayroon ka man nanako-confuse ka, hindi siya mahirap lapitan para itanong kung ano ba ang dapat mong gawin doon sa character na 'yon,” pagbabahagi niya.

Sa panayam naman ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sinabi ni Direk Zig na collaborative ang buong team ng My Guardian Alien upang mas mapaganda ang serye.

“Hindi lang ako 'yung nakatayo dun sa gitna kundi tinutulungan ka ng buong team para mas mapaganda 'yung teleserye o mas mapaganda 'yung ginagawa n'yo,” aniya.

Bukod kina Marian, Gabby, at Max, kabilang din sa My Guardian Alien sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Caitlyn Stave, Josh Ford, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Tart Carlos, Sean Lucas, Christian Antolin, Kirst Viray at Marissa Delgado.

Abangan ang My Guardian Alien sa GMA Prime.