GMA Logo Alden Richards
Source: aldenrichards02/IG
What's Hot

Alden Richards, excited na sumabak sa pagiging direktor

By Kristian Eric Javier
Published February 21, 2024 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Ready na muling umupo sa director's chair si Alden Richards ngayong 2024.

Matapos mag-direct ng isang eksena sa pelikula niyang 'Five Breakups and a Romance,' excited na ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards na umupo muli sa director's chair ngayong taon.

Sa interview niya kay Cata Tibayan sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras, aminado si Alden na mahirap maging isang director, producer at actor sa isang proyekto, at inihambing ang kaniyang karanasan sa isang “baptism of fire.”

“But I took on the challenge of doing [the] directorial job while being a producer and an actor because I wanted the challenge of it. I wanna see myself how I work under pressure under those hats that I'm wearing at the same time,” sabi niya.

Ngunit kahit ganun, ay natutuwa si Alden sa kaniyang naging experience, “I can see myself from afar whenever I direct, I'm a different person.”

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAGING DIRECTOR DIN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sinabi ni Alden na “one for the books” ang naging experience niya sa nagdaang Manila International Film Festival para sa pelikula nila ni Sharon Cuneta na 'Story of Two.' Ayon sa aktor ay mas lalo siyang ginanahan gumawa ng pelikula para sa Global Pinoys.

“Ang sarap pang gumawa lalo ng pelikula para sa kanila because ang mga Pilipino po, lalo abroad, isa sa mga kaligayahan na gusto nilang makita ay mga pelikulang Pilipino,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor, “Kailangan gawin nating somehow stable sa ating karera in the industry kasi that's another way of giving back.”

Sa ngayon ay pinagkaka-abalahan ni Alden ang upcoming historical drama series nila na Pulang Araw kung saan makakasama niya sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Ashley Ortega, at David Licauco.

“Ito 'yung pagma-materialize kasi ng kuwento ng lola ko sa'kin nung bata ako because my grandparents are World War 2 babies and we are at a setting of the Japanese occupation dito sa Pilipinas,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor ay malaki ang pagkakautang ng pasasalamat ng mga Pilipino ngayon sa mga taong nakipaglaban noon para sa kalayaan ng bansa.

Aminado si Alden na naging challenging para sa kaniya ang mga salitang ginagamit nila para sa serye dahil hindi ito ang kasalukuyang ginagamit ng mga tao ngayon.

“Malalim at saka may shortness of breath e, mahangin 'yung malalim na salita ng tagalog nung araw pero masarap siyang gawin,” ani Alden.