GMA Logo the long ballad
What's Hot

The Long Ballad: Mga plano at sikreto | Week 5 recap

By Kristian Eric Javier
Published February 22, 2024 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

the long ballad


Puno ng mga nakatagong plano at sikreto ang mga tribo ng 'The Long Ballad.' Sino ang makakatulong kay Changge sa kaniyang paghihiganti?

Patuloy pa rin ang paglaban ni Li Changge (Dilraba Dilmurat) para ipaghiganti ang pagkamatay ng kaniyang pamilya. Ngayon ay tinutulungan na rin siya ni Ashile Sun Leo Wun sa kaniyang paglalakbay sa The Long Ballad.

Dahil sa kakulitan at pagsasaya ng crown prince at kapatid ni Li Leyan (Zhao Lusi) na si Chengqian (Oscar He Yuxiao), dahilan para magkagulo ang buong Luoyang, ikinulong siya ni Changge.

Dahil sa galit ay gustong ipahuli ni Chengqian ang pinsan, subalit sinabi ni Leyan na tama lang ang ginawa ni Changge. Pinaalalahan din niya ang kapatid na dapat parin nitong igalang ang pinsan.

Isang uri naman ng salot ang kumakalat ngayon at para matulungan ang mga taong nagkasakit ay patuloy na nakikipagtulungan si Changge kina Ashile Sun (Leo Wu).

Para makahingi ng halamang gamot sa Khan ng Pangkat ng Agila, isa sa mga tao nila ang nagprisintang pumunta para kunin ang kailangang halamang gamot.

Samantala, nalaman naman ni Ashile Chuobi (Jin Song) na si Princess Yicheng (Yang Mingna) ang pumatay sa kaniyang kapatid at ngayon ay lumalason sa kaniya upang pamunuan ang Ashile.

Plano ni Yincheng na tulungan ang kaniyang anak na si She'er (Kudousi Jiang Ainiwaer) na pamunuan ang Ashile base sa kaniyang gabay at turo. Magtagumpay kaya ang plano ng prinsesa, o msabi ni Chuobi kay She'er ang tunay na pakay nito?

KILALANIN ANG MGA ARTISTANG GUMANAP SA 'THE LONG BALLAD' SA GALLERY NA ITO:

Dahil sa maagang babala ng kaibigan ni Changge na si Mimi (Cao Xiyue) mula sa Ahsile ay nakabuo sila ng plano upang matalo ang Pangkat ng Oso. Bukod pa dito ay nasiguradong naligtas ang Pangkat ng Agila nina Sun.

Napili ni She'er si Leyan upang mapangasawa ngunit tinanggihan ito ng prinsesa. Dahil dito, pinaratangan ni Yicheng ang Tang na tatraydor sa Ashile.

Dahil nagbitiw ng pananakot sina She'er at Yinching, nagbigay si Changge ng hamon ng paligsahan kung sino ang nararapat pakasalan ng prinsesa para maiwasan ang gulo na sinang-ayunan naman ng batang Khan.

Sa pag-iimbestiga ng karamdaman ni Chuobi napag-alaman na hindi nakamamatay ang lason na kumakalat sa katawan niya, ngunit sinisira nito ang laman loob.

Nang ipatawag ni Yinching si Sun para kausapin, hinarang siya ni She'er para tanungin kung bakit at dito, nagpahiwatig si Sun na hindi basta-basta tatamaan ng karamdaman ang kanilang ama at maaaring hindi nagkataon ang nangyari.