GMA Logo Anne Curtis, Vice Ganda, Its Showtime
Courtesy: It’s Showtime
What's Hot

Anne Curtis, naging emosyonal nang makita ang OFWs sa kanyang birthday celebration

By EJ Chua
Published February 24, 2024 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: NLEX blows past San Miguel to maintain spotless record
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Curtis, Vice Ganda, Its Showtime


Belated Happy birthday, Anne Curtis!

Naganap na ang pinakahihintay ng mga manonood ng It's Showtime- ang birthday celebration ng isa sa hosts nito na si Anne Curtis.

Ngayong Sabado, sinorpresa ni Anne ang madlang people sa pamamagitan ng kanyang pasabog na performances.

Pagkatapos ng pagkanta at pagsayaw niya sa stage, tila naging seryoso at medyo naging emosyonal ang host nang makita niya sa kanyang harapan ang live audience sa studio na karamihan ay Overseas Filipino Workers o OFWs.

Pahayag niya, “Ang kasama natin today at sobra kong na-appreciate ay ang ating mga minamahal na OFWs. Napakadami nila na talagang nagbigay ng time to celebrate with me dito sa Showtime… Maraming maraming Salamat.”

Kasunod nito, inalala ni Anne at ng iba pang hosts kung paano nagsimula ang trending na paandar ng ilang OFWs tungkol sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas para sa birthday ng una.

Ayon sa co-star ni Anne na si Vice Ganda, “Joke lang talaga siya… sa mga moments sa Tawag ng Tanghalan.”

Sabi naman ni Anne, “Matagal na 'yun, then bigla siyang nag-trend ulit. At ang mga OFW… nagpo-post ng mga boarding pass nila na pauwi para sa birthday ko… So, I thought It would be nice to invite them here to It's Showtime to celebrate with me.

Ayon pa sa host-actress, ilang OFWs na nasa studio ang naka-tweet pa niya bago sila umuwi ng bansa.

Ipinakilala pa niya ang isang OFW na nanggaling pa sa Spain na mismong nakausap niya tungkol sa pag-uwi nito.

Samantala, ipinagdiwang ni Anne ang kanyang 39th birthday sa concert ng American singer-songwriter na si Taylor Swift noong February 17.

Related Gallery: IN PHOTOS: Anne Curtis's appearances on GMA