What's Hot

Kampo ni Katrina Halili, aapela sa reinstatement ni Hayden Kho bilang doctor

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Binawi ng Philippine Regulation Commission Board of Medicine ang lisensya ni Hayden Kho noong 2012 matapos kumalat ang sex videos niya kasama ang ilang aktres sa Internet. Ano ang reaksyon ng kampo ni Katrina sa pagkaka-reinstate ni Hayden Kho bilang doctor?
By CHERRY SUN
 
Kinekwestiyon ngayon ng kampo ni Katrina Halili ang pagkakaroon muli ng medical license ni Hayden Kho.
 
Ayon sa ipinadalang text message sa Balitanghali ni Atty. Raymond Palad, abogado ng aktres, “We will file a motion for reconsideration at PRC to correct this legal anomaly, and if necessary, we will go to higher courts to decide on this legal issue of ‘2-year waiting period’.”
 
Sa provision ng R.A. 2382 Medical Act of 1959, kailangan ng dalawang taon bago muling maibalik ang lisensya ng isang doktor. Ngunit, naging pinal lamang ang desisyon ng Court of Appeals na tanggalin ang lisensya ni Hayden noong July 26, 2012.
 
Binawi ng Philippine Regulation Commission Board of Medicine ang lisensya ni Hayden pagkaraang kumalat ang iba’t ibang sex video scandals niya kasama ang Kapuso aktres, at iba pa niyang naka-relasyon noon. 
 
December 2013 nang umapela si Hayden na maibalik ang kanyang lisensya. Natanggap ni Hayden ang desisyon sa kanyang reinstatement bilang doktor noong July 7, 2014.