GMA Logo Helen, Santi, Secret Affair recap
Courtesy: Secret Affair and GMA
What's Hot

Secret Affair: Ang simula ng musika ng pagnanasa | Weekly Recap

By Kristine Kang
Published February 26, 2024 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Helen, Santi, Secret Affair recap


Nagsimula na ang pag-krus ng mga landas nina Helen at Santi sa 'Secret Affair.'

Sa unang linggo ng Secret Affair, nakilala na natin sina Helen, Santi, at ang iba pang mga karakter na magkakaroon ng malaking bahagi sa kapalaran ng dalawa.

Nag-umpisa ang serye sa pagsilip sa buhay ni Helen, kung saan ipinakita kung paano siya nahihirapan sa trabaho ngunit nananatiling matatag pa rin para sa kaniyang mga pangarap.

Ang asawa niya na si Hector ay gusto rin umangat sa kaniyang career bilang isang guro at mentor. Kaya naman, patuloy siyang tumutuklas ng mga may bukod tanging talento o talino sa musika.

Natupad ang hiling ni Hector sa pagdating ni Santi, isang delivery boy na may galing sa pagtugtog ng piano.

Sa isang recital, napakinggan ni Santi ang isang duet sa piano at ninais niyang tugtugin din ito.

Namangha si Hector ng mapakinggan niya ang pagtugtog ni Santi dahil nagawa nitong tugtugin ang duet mag-isa.

Ngunit dahil bawal galawin ang instrumento, dali-daling tumakas si Santi sa tulong ni Hector. Dahil dito, nagkaroon si Santi ng utang na loob kay Hector, na ginamit naman ang pagkakataon upang hilingin na sila ay magkita at mag-usap.

Sa araw na dapat sila ay magkikita, ang sumalubong kay Santi ay si Helen, dahil sa paki-usap ni Hector na pakinggan at suriin ni Helen ang tugtog ni Santi.

Sa sandaling magkasama sila mag tugtog, nagsimulang bumukas ang kanilang mga puso sa isa't-isa.

Ilang araw nakalipas, bumisita sina Helen at Hector sa bahay ni Santi para magpakita ng suporta sa papalapit na college exam ng binata.

Ngunit dahil sa mga pangyayari sa gabing iyon, mukhang mas napa-ibig na si Santi kay Helen.

Ano kaya ang gagawin ni Helen nang malaman niya ang nararamdaman ni Santi para sa kaniya?

Abangan ang kapana-panabik pang mga eksena sa Secret Affair, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.

Related Content: IN PHOTOS: Meet 'Secret Affair' star Kim Hee-ae