What's Hot

Quizons, ginunita ang 2nd death anniversary ni Comedy King Dolphy

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 8:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Nais ng pamilya ni Dolphy na mag-focus sa masasayang alaala nila sa komedyante.
By CHERRY SUN
 
Nagsama-sama ngayong July 10 ang pamilya at mga kaibigan ni Dolphy para sa ikalawang anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

Nag-alay sila ng isang misa sa puntod at naglagay ng maraming puting orchids na paborito raw ng yumaong komedyante. Si Zsa Zsa Padilla ang naging punong abala.

Pag-aalaala ng Divine Diva, “He aims to please everybody. Ganoon ‘yung personality niya. Ako na-witness ko ‘yun ilang beses. Kailangan ‘yung happiness muna ng iba bago ‘yung sa kanya, and that’s what makes him happy.”

Dahil dito, nais ng Quizon family na mag-focus sa maliligayang alaala ni Dolphy.

“Tama na ‘yung drama. I mean you don’t want to remember my father noong time of death niya syempre, ‘yung umiiyak kami. Of course we want to remember my father’s life as fun and happy,” saad ni Epi sa Balitanghali.


 


“Nagre-reminisce ako minsan pag ako lang mag-isa, wala ‘yung mga
bata. Madalas nalulungkot ako, [pero] what I do is pray lang. I talk to him. I feel like I’m hugged,” kwento naman ni Vandolph.

Ibinahagi rin ni Direk Eric ang kanilang plano para sa gagawin nilang tribute sa kaarawan ng kanilang ama. “What we’re gonna do is we’re going to screen some of his movies at magkakaroon kami ng parang mini concert,” aniya.

Ang malilikom na pera mula sa tribute show ay gagamitin sa ibang proyekto ng Dolphy Aid para sa Pinoy Foundation.