Article Inside Page
Showbiz News
“It’s not the leadership but the system. Kahit sino ilagay they are eaten up, and they become what the system is," Irma Adlawan on the state of corruption in the country today.
By EUNICIA MEDIODIA
Napapanood natin siya bilang Tonying sa family series na
My BFF. Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Queen of Filipino Independent Films, Irma Adlawan shared her thoughts on the current state of our country.
“Kailangan tayo as Filipinos, to be aware of what is happening around us,” pangaral niya.
Sa kabila’t kanan na isyu na kinaharap ng ating bansa, hinikayat ng Kapuso actress na gumawa ng aksyon ang bawat isa para maibsan ang mga suliranin ng bansa.
“It’s about time to do something about it,” pahayag niya.
Malaki ang tax na nakakaltas sa mga suweldo ng manggagawa. Malaki ring halaga ang napupunta sa gobyerno ngunit wala naman daw tayong nakikita na kaunlaran bunga nito.
“’Yong laki ng pera na nakuha nila from us, ilang classrooms na ‘yon. Sa health pa lang, sa Department of Health pa lang, sa Department of Education pa lang, ang dami na nilang dapat nagawa,” mariin niyang sinabi.
Dagdag pa niya, “Hindi ako nagtataka kung mas marami pa rin ang gulo sa gobyerno kasi niloloko nila tayo. Maraming ayaw magbayad ng tax kasi alam naman natin na wala tayong nakukuhang benefits. Wala tayong nakikitang ginagawa nila.”
Kailangan daw muna natin baguhin ang sistema para magkaroon din ng pagbabago sa nangyayari ngayon.
“It’s not the leadership but the system. Kahit sino ilagay they are eaten up, and they become what the system is. They have forgotten what they promised the people, so depressing,” malungkot niyang sabi.
Is there still hope for the Philippines?
“May pag-asa tayo, of course. We have to, otherwise there’s no use in living,” paniniwala niya. “If you lose hope, bakit pa tayo nandito? Bakit pa tayo nabubuhay? You should never lose hope.”
Naniniwala pa rin siya na balang araw ay may darating para baguhin ang sistema ng bansa. "Pag nangyari ‘yon magiging maunlad at maganda na rin ang Pilipinas.
“Ang corruption naman talaga mahirap tanggalin, kahit saan ka pumunta meron at meron niyan. Kahit gaano kaliit merong corrupt, pero kung mas konti sila at mas marami ang hindi, magsu-survive tayo.”
To make a change, kailangan daw magsimula sa mga bata at a young age. Kailangan sila turuan ng tama. Wala raw grey areas, tama o mali lamang.
“Sa atin kasi maraming gray areas. It’s only black and white. Mali, tama, ‘yon lang. They have to learn what is right and wrong. They really have to know,” pagtatapos niya.