What's Hot

Claudine Barretto, may pagsisisi sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

By Nherz Almo
Published March 6, 2024 2:59 PM PHT
Updated March 6, 2024 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

claudine barretto and jaclyn jose


Claudine Barretto, tungkol sa yumaong si Jaclyn Jose: “Alam n'yo naman na may pinagdadaanan ako for the longest time, di ba? And she's always been there.”

Muling bumisita si Claudine Barretto sa ikalawang gabi ng burol ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

Sa maiksing panayam ng entertainment reporters, nabanggit ni Claudine kung gaano kalapit ang relasyon niya sa kapwa award-winning actress. Nagkatrabaho sila noon sa teleseryeng Mula sa Puso, kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

“Not many people know na magkapitbahay kami, aside from her being my mom,” sabi ng aktres.

Dahil daw dito, naging madali para sa kanila ang magkumustahan, lalong-lalo na kung may mga pinagdadaanan.

Pag-aalala ni Claudine, “Minsan pagkagaling sa taping, bago siya umuwi, dadaan sa bahay, aakyat ng kuwarto. 'Tapos, sasabihin niya sa akin, 'Na-miss ka na ni nanay kaya dumaan ako.' '

“'Tapos, kapag may problema ako, tatakbo naman ako sa bahay niya, especially noong bago akong nakabili ng trike, nabunggo ko pa yung kotse niya. Aakyat lang ako sa sa kuwarto niya. Si Ate Rem, yung kasambahay niya, pinapapasok lang ako, diretso lang ako sa kuwarto niya at tatabihan ko siya.”

Para kay Claudine ang kanyang Nanay Jaclyn ang isa sa mga naging madalas niyang natatakbuhan kapag may problema.

Aniya, “Alam n'yo naman na may pinagdadaanan ako for the longest time, di ba? And she's always been there. Kapag sinabi kong, 'Nay, puwedeng dito muna ako?' patatahanin niya ako, kakantahan niya ako. 'Tapos, the next day, may mainit na mainit na sinigang na ako from her.

“Basta kapag may pinagdadaanan ako, nararamdaman niya ako. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit di ko siya naramdaman, yun lang ang regrets ko.”

Pero hindi naman daw puro malulungkot na sitwasyon ang pinagsamahan nina Claudine at Jaclyn. Sa katunayan, dahil magkalapit lang ang kanilang bahay, malaya ring nakabibisita ang huli sa bahay ng una para makapag-bonding.

Isa sa mga masasayang alaala ni Claudine tungkol sa kanyang “nanay” at kapitbahay, “Pumupunta sa bahay, nagdadala siya ng sariling cooler na may beer. 'Tapos, sasabihin niya, 'Anak, wala ka pa sa bahay. Magsu-swimming ako, bahala ka.' Pagdating ko dun, sasabihin niya, 'Labas mo na yung buntot mo.'”

Ang tinutukoy ng aktres ay ang buntot na ginamit niya nang siyang gumanap sa isang fantasy series noon.

Bago pumanaw ang batikang aktres na si Jaclyn, ilang buwan din daw silang hindi nakapagkumustahan.

“Three months ago, na pinagsisisihan ko. Naging busy, pero kahit na, hindi excuse 'yon,” sabi ni Claudine.

Kaya naman nang nalaman niya ang pagpanaw ng aktres, “non-stop” na raw ang kanyang pag-iyak.

Samantala, narito ang ilan pa sa mga naging anak-anakan ni Jaclyn sa showbiz: