GMA Logo Pooklook Fonthip Watcharatrakul, Push Puttichai Kasetsin at Son Yuke Songpaisan, Miracle of Love
What's Hot

Miracle of Love: Dream na road to forever, nawala sa isang iglap?

By EJ Chua
Published March 7, 2024 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Pooklook Fonthip Watcharatrakul, Push Puttichai Kasetsin at Son Yuke Songpaisan, Miracle of Love


Subaybayan ang Thai series na 'Miracle of Love' sa GMA-7.

Ipinapalabas na sa GMA-7 ang Thai series na Miracle of Love.

Sa mga naunang episode ng serye, natunghayan ang mga eksena nina Pooklook Fonthip Watcharatrakul at Push Puttichai Kasetsin.

Napapanood sila rito bilang magkasintahan na sina Danica at Louie.

Sa previous episodes, napanood na habang nagmamaneho si Louie, bigla na lamang hindi gumana ang preno ng kanyang sasakyan.

Kasunod nito, nahulog na siya kasama ng sasakyan sa isang bangin.

Bago mangyari ang aksidente, masayang-masaya pa si Louie dahil inaasahan niyang matutupad na ang kasal na pinapangarap nila ni Danica.

Ngayong wala na si Louie, ano na kaya ang magiging takbo ng buhay ni Danica?

Paano na kaya si Danica matapos maglaho sa isang iglap ang dapat sana'y road to forever na love story nila ni Louie?

May maitulong kaya si Aldwin (Son Yuke Songpaisan) sa kanyang pagmu-move on?

Patuloy na subaybayan ang napakagandang istorya ng Miracle of Love, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.

Meet the cast of Thai romance drama series 'Miracle of Love'