
Sunod-sunod ang mga proyektong dumarating sa award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Noong Disyembre, pinahanga ni Euwenn ang lahat sa natatanging pagganap bilang Tonton sa pelikulang Firefly kung saan kinilala siyang Best Child Performer ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal.
Makalipas ang isang buwan, inanunsyo ni Euwenn ang kauna-unahan niyang serye na pagbibidadan sa GMA, ang Forever Young, kung saan magbibigay inspirasyon siya bilang Rambo.
Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Bukod sa upcoming series na ito, may bagong proyektong pinaghahandaan si Euwenn. Ibinahagi ito ng Sparkle GMA Artist Center sa isang post sa Instagram kung saan makikita si Euwenn kasama sina Juan Karlos Labajo, Joel Torre, at ang award-winning director na si Benedict Mique.
Congratulations, Euwenn Mikaell!
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: